Kabanata 41
Kabanata 41
Pagkatapos ng kanyang pumalpak na apela, napilitan si Madeline na tanggapin ang hindi
kapanipaniwalang sitwasyon.
Tatlong taon. Content from NôvelDr(a)ma.Org.
Tumawa siya nang mapait.
Hindi pa rin niya alam kung mabubuhay pa siya hanggang sa ipanganak ang kanyang anak.
Hindi sinabi ni Madeline sa officer ang kanyang pagbubuntis. Hindi niya nakalimutan kung paano siya
pinagbubugbog noong sinabi niya ito.
Subalit, naroon pa rin ang kanyang kinakatakutan. Sa gabing iyon, binugbog si Madeline ng isang
grupo ng mga kalbong preso.
Walang lakas na lumaban si Madeline. At higit pa roon, pinapahirapan rin siya ng kanyang tumor.
Nagsimula siyang mangingig sa sakit.
Wala siyang magawa kundi mamaluktot para hindi nila masipa ang kanyang tiyan.
Minsan ay nangyayari ang ganitong sitwasyon. Buti na lang at hindi nila tinatamaan ang kanyang tiyan.
Sinumbong na ito ni Madeline ng ilang beses, pero walang nangyari.
Sa bawat gabi ng kawalan ng pag-asa, nagkikiskisan ang mga ngipin ni Madeline sa sobrang sakit.
Nakakaligtas lang siya pagkatapos niyang isipin ang buhay na nabubuo sa kanyang sinapupunan.
'Jeremy, napakasama mo.
'Inakala ko na magiging masaya ka kagaya ko noong nagkita tayong muli. Pero, ako lang pala ang
obsessed sa loob ng 12 years…'
Kahit na may sinabihan si Daniel na bigyan siya ng gamot para paginhawain ang sakit sa kanyang
katawan, pakiramdam pa rin ni Madeline ay lalo siyang nanghihina. Mayroong ilang beses na
pakiramdam niya ay hindi na niya kaya, pero ang tanging nagbibigay liwanag sa kanyang madilim na
mundo ay ang kanyang anak.
Halos magsa-sampung buwan na ang kanyang anak. Dahil malapit na ang kanyang due date, mas
lumakas ang intensyon ni Madeline na mabuhay.
Dumagundong ang kulog sa gabi ng umpisa ng tag-araw.
Kinakabahang tumibok ang puso ni Madeline. Nagpunta na naman ang mga preso para maghanap ng
gulo.
Akala niya ay iiwanan na siya ng mga ito pagkatapos siyang pagsisipain at pagsusuntukin, pero sa
pagkakataong ito, tinulak nila sa lapag si Madeline pagkapasok nila rito. Hinawakan ng dalawa sa
preso ang kanyang mga braso habang pinunit ng iba ang kanyang pantalon bago suportahan ang
kanyang binti.
Nakukutoban na niya kung ano ang balak nilang gawin sa kanyang anak. Nagpumiglas siya gamit ng
kanyang buong lakas. "Anong ginagawa niyo? Bitiwan niyo ko!"
Subalit, hindi pinansin ng mga taong iyon ang kanyang pagpupumiglas at pagsigaw. Kasunod nito,
kaagad na nakaramdam si Madeline ng matinding sakit mula sa kanyang tiyan. Naramdaman niya rin
na pumutok ang kanyang panubigan.
"'Wag niyong saktan ang anak ko! Please!" Nagmamakaawa si Madeline habang nagdurusa mula sa
napakatinding sakit. Sabay na nagpahirap sa kanya ang matinding takot at ang napakatindi at hindi
maipaliwanag na sakit ng panganganak.
Sobrang sakit ang nararamdaman ni Madeline na pakiramdam niya ay halos mahiwa siya sa dalawa.
Basang-basa ng kanyang luha at pawis ang kanyang damit. Pakiramdam niya ay binabalatan siya
nang buhay. Tinutunaw ng sakit ang kanyang mga braso at binti pati na rin ang kanyang mga buto.
Hindi niya alam kung gaano ito tumagal. Nawawalan si Madeline ng malay dahil sa tindi ng sakit.
Habang malabo ang kanyang persepsyon, narinig niya ang malakas na iyak ng bata.
"Ang baby ko…" bulong niya.
"Bigay niyo sa'kin ang baby ko."
"Sabi ni Mr. Whitman ay ibabaon ang bastardo mong anak kasama ng namatay na anak ng
pinakamamahal niya. Madeline, 'wag mo kaming sisihin. Ginagawa lang namin ang trabaho namin."
Ang pinakamamahal niya...
Ginagawa lang ang kanilang trabaho...
Pumikit ang mga mata ni Madeline sa pagod. Tumulo ang luha mula sa gilid ng kanyang mga mata.
Ililibing ang kanilang anak sa tabi ng bastardong anak ni Meredith sa ibang lalaki. Nakakahiya ba iyon
o nakakalungkot?
Sa sumunod na araw, tumayo si Madeline mula sa lapag at nanghingi ng tulong habang tinitiis ang
mahapding sakit. Nahanap niya ang officer at nagsabing, "Kagabi, pinilit akong manganak ng ilang tao
at tumakas kasama ang anak ko pagkatapos kong manganak."
Nagtatakang tumingin kay Madeline and officer at nagtanong, "Buntis ka?"