Kabanata 91
Kabanata 91
"Ihahatid kita pauwi."
"..." Nabigla si Madeline.
Habang sk Meredith naman ay nagulat at nagsimula siyang makiusap nang may landi. "Pero nangako
ka na sasamahan mo ako magshopping Jeremy."
"Pwede mo muna akong hintayin dito." Lumapit si Jeremy kay Madeline nang hindi man lang sinisipat
si Meredith. "Tara na."
"Ayos lang. Kaya ko nang umuwi mag-isa." Mabilis itong tinanggihan ni Madeline. Wala siyang ideya
kung anong balak ni Jeremy, pero di niya gusto ang pakiramdam niya dito.
"May iba ka bang gustong maghatid sayo, bukod pa sa asawa mo? Siguro isa ding Mr. Whitman?"
Bumaon sa kanya ang titig ni Jeremy, umabot sa kanya ang mga salitang hindi nasabi.
Dahil ayaw na niyang pumalag, tumigil si Madeline sa pagtanggi at hinayaan na lang si Jeremy na
ihatid siya pauwi.
Hindi mapigilan ni Madeline ang ligaya na naramdaman niya nang lumingon siya kay Meredith at nakita
niyang sasabog na ang matatambok nitong pisngi.
Ginamit ni Jeremy ang paghatid sa kanya pauwi bilang oportunidad para balaan si Madeline.
"Huwag mo uling ipapakita sa akin na malapit at malambing ka kay Felipe'" Tumunog ang boses nito
na sobrang lamig.
"Bakit?" Inosenteng kumurap si Madeline kay Jeremy, napakatamis ng boses niya nang magsalita siya,
"Ikaw ang asawa ko pero parang wala ka namang problema na makipagyakapan at makipaglambingan
sa ibang mga babae sa kalye. Kaya bakit di ako man lang pwede kumain kasama ng ibang lalaki?"
Huminto si Jeremy, para bang nagulat sa reaksyon ni Madeline.
Tinitigan niya si Madeline. Dahil sa makeup na nasa kanyang maganda at maliit na mukha at pati na
rin sa makinang at maganda niyang mga mata, nagmukhang matalino at inosente si Madeline.
Nagblangko ang isip niya nang dalawang segundo bago nakabalik sa ulirat si Jeremy at ang init sa
kanyang ekspresyon ay naglaho. Nang may bahid ng galit sa kanyang kilos, inabot niya at hinawakan
ito sa baba. "Ganito mo pala inakit si Felipe? Sa pagmumukhang inosente at kaawa-awa?"
Ngumiti na lang si Madeline sa kabila ng sakit. "Ikaw bahala kung anong gusto mong paniwalaan, Mr. Nôvel(D)rama.Org's content.
Whitman."
"Madeline!" Sumabog sa galit si Jeremy, ang bangis sa kanyang mga mata ay sobrang init na maaabo
na nito si Madeline.
Nang maisip kung paanong paparusahan na siya nito, hindi inasahan ni Madeline na yuyuko ito at
kakagatin ang kanyang leeg.
Chupse.
Masakit ito at sinubukan ni Madeline na itulak palayo si Jeremy, ngunit napansin niya na pirmi siyang
idiniin nito sa pader.
Makalipas ang ilang segundo, pinakawalan siya nito.
Ito ay panahon ng taglamig, ngunit ramdam ni Madeline na nagliliyab sa init ang kanyang pisngi.
Hinila ni Jeremy ang kanyang scarf, nailantad ang mapulang bakas sa kanyang leeg.
Natutuwa at masaya sa kanyang ginawa, hinila niya ang natatarantang Madeline sa kanyang dibdib.
"Hindi ka na pwedeng bumili ng scarf."
Nagbabala si Jeremy at hindi niya binigyan ng pagkakataon na makapalag si Madeline.
Naguguluhan si Madeline. "Ano bang gusto mo, Jeremy?"
Malagim na humagikhik si Jeremy sa repleksyon sa madidilim niyang mga mata. "Di ba pinagdarasal
mo na maging akin ka? Bakit di kita pwedeng halikan, asawa mo ako diba?"
"..." Namula si Madeline, di na siya makasagot.
Totoong sila ay mag-asawa pa rin.
"Pupunta na ako sa kompanya!" Nagpumiglas si Madeline sa hawak ni Jeremy. "Hinihintay ka pa ng
pinakamamahal mo, puntahan mo na siya."
Sa halip na pakawalan siya nito, hinila ni Jeremy si Madeline palapit sa kanya. Pumaypay ang mainit
na hinga nito sa kanyang taenga. "Bakit ba gustong-gusto mo akong itulak papunta sa ibang babae?
Akala ko ba sinabi mo sa akin na mahal mo ako. O ito lang ang paraan mo ng pagpapakita ng
pagmamahal?"
Pumintig ang puso ni Madeline sa kanyang taenga. Nang mababaliw na siya, binitawan siya ni Jeremy.
Habang natataranta, nagsimula si Madeline na ayusin ang kanyang damit. Paglingon niya, nakita niya
si Felipe Whitman, nakatitig sa kanila mula sa pintuan ng restawran.