Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 97



Kabanata 97

Napilitang manahimik si Madeline. Sumulyap siya sa labas ng bintana. Maulap ang langit at parang

uulan.

Nang makitang mukhang pamilyar ang kalsada, unti-unting nanikip ang mga ugat ni Madeline.

Huminto ang kotse. Lumabas si Jeremy ng kotse habang si Madeline ay kinaladkad palabas.

Pagtingin sa paligid, nanlaki ang mga mata ni Madeline at hindi siya makapaniwala.

"Jeremy, bakit mo ako dinala dito!"

Tanong niya habang nakaharap sa likod ni Jeremy, ngunit hindi siya pinansin ng lalaki.

Kinaladkad si Madeline sa libingan kung nasaan ang kayang lolo at namatay na anak. Wala na siyang

lakas para tumayo, at itinulak siya ng bodyguard papunta sa libingan.

Bumagsak si Madeline sa sahig, hawak kung nasaan ang tumor. Huminga siya nang malalim, tiniis ang

sakit, at tumingin sa taas.

Nakatayo si Jeremy sa harap niya, matikas at malamig, ang aura nito ay di natitinag at walang-puso.

"Bakit dito?" Tanong ni Madeline hbang nagningitngitan ang kanyang ngipin, unti-unting lumalabo ang

paningin niya dahil sa hamog.

Yumuko si Jeremy at kinurot ang baba ni Madeline gamit ng kanyang mainit na daliri. Isang © NôvelDrama.Org - All rights reserved.

nakakatakot na ngiti sa kanyang manipis at maalindog na mata.

"Para iparanas sa iyo kahit sandali, ang isang mapait na pagdadalamhati."

"Ano?"

Hindi naintindihan ni Madeline. Nakikita lamang niya ang puting nyebe na bumabagsak mula sa langit,

nahaharangan ang itsura ni Jeremy sa kanyang paningin sa sandaling ito.

"Kilos." Bigla nitong iniutos, habang galit na binalewala si Madeline.

Kaagad na narinig ni Madeline ang tunog ng pagtama sa isang batong pader. Lumingon siya at nakita

niya ang ilang mga bodyguarf na sinisira ang libingan gamit ng batong martilyo at mga pait.

Mayroong "boom" sa isipan ni Madelkne, at nagblangko ito.

"Hindi! Tumigil kayo!"

Sumigaw siya. Kakatayo pa lang niya at gusto niyang tumakbo para pigilan sila, ngunit pinigilan siya ni

Jeremy.

"Wag niyong sirain yan! Wag!" Umiyak si Madeline, walang-tigil na tumulo ang mga luha mula sa

kanyang mga mata.

Lumingon siya at nagmakaawa kay Jeremy, ngunit ngumiti nang bahagya ang lalaki. "Ngayon alam mo

na matakot? Bakit di ka natakot noong sinaktan mo ang anak ko?"

"Jeremy, hindi ko kailanman sinaktan ang anak mo! Patigilin mo sila!"

Gumuguho na nang tuluyan ang emosyon ni Madeline at ang buong katawan niya na matagal nang

sugatan ay tila ba nasabuyan ng asin sa sandaling ito. Bumaon ang malalim at matinding sakit sa

kanyang buto.

Subalit, hindi nito pinahinto ang kahit na sino. Mabilis na nasira ang libingan at dalawang baul, isang

malaki at isang maliit, ang nahukay.

Sa isang iglap ay naramdaman ni Madeline na di na siya makahinga. Nanlalabo na ang paningin niya

at nangatog nang matindi ang katawan niya.

"Hindi, Jeremy, pakiusap wag! Sige, nagkamali ako! Di ko dapat sinaktan ang anak mo at si Meredith.

Kasalanan ko ang lahat! Pwede mong ibuhos sa akin ang galit mo, wag mo lang galawin ang abo ng

anak at lolo ko. Pakiusap, nagmamakaawa ako!"

Lumuhod si Madeline sa paanan ni Jeremy, gipit na yumuyuko sa kanya, nagmamakaawa, tinanggap

maging ang mga binibintang sa kanya.

Kahit na ganon, di man lang tumingin sa kanya si Jeremy. Inabot niya ang baul na naglalaman ng maliit

na tipak ng abo sa kanyang kamay.

Tinignan ni Madeline ang abo sa kamay nito. Kasingputi ng papel ang balat niya, habang nakakapit

siya sa pantalon nito.

"Hindi, Jeremy, anak mo rin ito kaya…"

"Anak ko?" Suminghal si Jeremy. "Isa lamang ang anak ko, at ang pangalan niya ay Jackson Whitman.

At para naman dito…"

Sinulyapan niya ang maliit na tipak ng abo sa loob ng boteng salamin at biglang niluwagan ang

kanyang pagkakahawak.

Crash!

Nabasag ang salamin at kumalat ang abo.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.