Chapter 6: He meet my Ravi
Aleighn's POV
Dumaan ang araw ng linggo na siyang araw ng pahinga ko mula sa isang linggong pagta trabaho, at gaya ng pangako ko sa anak ko ay buong araw kaming magkasama.
Nagsimba kami noong umaga saka kumain sa paborito niyang kainan, mabuti nalang at may sumobra sa kinita ko sa bar na siyang pinambayad ko naman kay Raul.
Inaya ko rin si Ravi na tumambay sandali sa isang children's park pero agad siyang nag ayang umuwi, sinabi niyang pagod na siya at gusto ng magpahinga pero alam kong nalulungkot lang siya na hindi man lang magawang makapag laro ng maayos at normal gaya ng ibang bata na malayang natakbo.
Masyadong mahina ang baga ni Ravi kaya naman mabilis siyang hingalin, kaya nililimitahan ko lamh bawat kilos niya.
Nang makauwi kami ay nag request lang ang anak ko na ipag luto ko siya ng paborito niyang sinigang kaya naman nilutuan ko siya, noong oras na ng tulog ay magkatabi lang kami habang yakap ko siya at naka unan sa mga braso ko "Mama bakit wala akong papa?"
Tanong ng anak kong hindi na bago sa pandinig ko, halos lagi niya akong tinatanong at laging iisa lang ang sagot ko sakanya
"Anak iniwan tayo ng Papa ko eh, pero diba nandito naman ako para maging papa mo din?" untag ko sakanya
Simula ng mag kaisip si Ravi at maghanap ng ama ay hindi ako nag sinungaling sakanya, bagkus ay sinabi at pinaliwanag ko sakanya ang dahilan, noong una ay hindi niya maintindihan at umiiyak pa nga sa tuwing sinasabi ko na iniwan kami, pero kalaunan ay siya na rin ang nasagot sa sariling tanong niya
"Hindi ba ako ka love love Mama?" dagdag na tanong pa niya bigla
"Huh, hindi ah mahal na mahal ka nga ng Mama" sagot ko sakanya sabay halik sa ulo niya
"Mama kapag hindi ka na busy hanap ka po ng Papa yung hindi tayo iiwan ah" inosenteng sabi ng anak ko sabay tingin sa akin
Lagi niya ring sinasabi sa akin ang bagay na ito, noong una natatawa pa ako pero na realize ko rin bigla na baka seryoso ang anak ko dahil gusto niyang makaranas ng buong pamilya
Hindi ko alam kung naibibigay ko sa anak ang pakiramdam ng may buong pamikya sa katauhan ko lamangang dahil hindi ako sigurado kung may lalaki pa bang tatanggap sa akin
Dalagang inang may sabit karaniwang bansag sa akin ng karamihan, pero baliwala sa akin dahil ang anak ko ang naging direksyon ko sa buhay.
"Hahanap ko ng Papa mo bukas sa trabaho ko okay, sa ngayon sleep kana Ravi ko" sagot ko sa sinabi niya
"Mahal kita Mama sorry kung may sakit ako" nalukuha niyang sabi, palagi niyang inihihingi ng paumanhin sa akin ang pagkakaroon niya ng sakitnovelbin
Bilang isang ina na nakaka saksi ng paghihirap niya sa tuwing nahihirapan siyang huminga, sobra sobra ang sakit din na nararamdaman ko pero hindi ko pinapakita sakanya dahil gusto kong ako ang maging lakas ng anak ko. "Hindi mo kasalanan anak, sleep kana mahal na mahal ka ng Mama" untag ko sabay halik at tapik na sakanya hanggang sa nakatulog siya
****
"Aleighn pasensya na hindi ko agad nasabi sayo na may lakad ako, hindi ko mababantayn si Ravi!" si aling Choleng
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Pwede ko kaya siyang isama sa trabaho?" tanong ko sa matanda
"Mabuti pa nga para mas sigurado tayong dalawa na may mag aalaga sa bata. Mabait naman ang anak mo tiyak na hindi siya magkukulit doon" sagot naman ng matanda
Biglaang may lakad si aling Choleng kaya naman hindi niya mababantayan ngayon si Ravi, ayoko namang lumiban sa trabaho sa mansion dahil baka mapagalitan ako, kaya naman mas pinili kong isama nalang siya, saka tama si aling Choleng hindi makulit ang anak ko kaya sigurado akong hindi siya magiging abala doon
"Anak dito kalang sa isang sulok at wag kang aalis dito hanggat hindi ako nabalik okay, maglaro kalang ng mga lego okaya mag drawing ka lang huh" paalala ko sakanya bago siya iwan dito sa may garden ng bahay ni sir Craige kung saan medyo maaliwalas at hindi siya maiinitan
Isinama ko nga siya at ipinagdala nalang ng mga laruan, colors at coloring book at ilang pagkain na mahilig niyang kainin para hindi siya maiinip.
Laking pasalamat ko nalang na wala si sir Craige pag dating namim at hindi niya nakitang may kasama akong bata, sabi kasi ni Aling Choleng ay ayaw ng lalaking iyon sa bata dahil nakukulitan daw kahit hindi naman malikot ang bata. Siguro ay maaga siyang umalis o kaya naman maagang nag jogging tapos napatambay sa kung saan. Araw ng lunes ngayon kaya naman baka mas maaga lang siyang umalis para magtungo sa opisina niya "Papakabait ako Mama, trabaho kalang po" sabi lang ng anak ko sabay ngiti
Sobra ang tuwa niya ng makita ang bahay, gusto pa nga niyang magpalibot sa kabuuan ng mansyon pero hindi ako pumayag dahil baka may masagi kaming mamahaling gamit at hindi pa namin mabayaran. Mahilig si Ravi sa magagandang disenyo ng bahay kaya tuwang tuwa siya ng maka kita ng isang totoong malaking bahay.
Ginawa ko ang mga trabaho ko pagtapos kong iwan ang anak ko, napansin ko pa ngang may naiwang tasa ng kape sa lababo na sa malamang ay si sir Craige ang gumamit
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Nilinisan ko ang kusina, ang kuwarto ni sir Craige na tanging kulay puti lang ang kulay ng mga gamit sa loob, saka sininop ang mga labahin niya na nakalagay sa basket. Hindi ko namalayang lumipas ang mga oras sa kakagawa ko ng trabaho ko at halos nalimutan ko ang anak kong nag iisa sa may garden
"Nako pasado alas dose na" sabi ko ng makita ang oras, hindi pa nakain ng tanghalian ang anak ko kaya naman dali dali akong nagtungo kung saan ko siya iniwan kanina
Halos madapa pa nga ako sa kakamadali papunta sa anak ko, pero ganoon nalang ang gulat ko ng madatnan si sir Craige na nakatayo sa harap ng anak ko habang naka pamaywang at salubong ang kilay, naka suot lang siya ng isang black short at white vneck shirt at top sider shoes dahilan para mas magmukha siyang gwapo lalo
Pansin kong nakatingala ang anak ko sakanya para tignan, kaya naman dali dali ko itong nilapitan at hinawakan sa kamay
"Hehe gandang tanghali sir" batinko sakanya ng may pag aalinlangan
"Mama siya po ang boss mo yung mabait na sasabi mo?" inosenteng tanong ng anak ko habang nakatingin sa lalaki
"Oo anak" maiksing sagot ko sabay balik ng tingin kay sir Craige
"Hello po, pasensya po sa abala sinama ako ng Mama ko sa trabaho niya" biglang tumayo si Ravi at bumitaw sa kamay ko saka lumapit kay sir Craige at abot sa kamay nito para mag mano
Hindi ako naka kibo sa ginawa ng anak ko, agad din naman siyang naupo ulit sa inuupuan niya at nag tuloy sa pagkukulay
"Pasensya na sir sinama kopo siya" tanging nasabi ko kay sir Craige dahil napansin kong naka simangot parin siya "Follow me on the kitchen!" madiin niyang untag sabay talikod sa akin
Kinakabahan naman tuloy ako bigla dahil hindi ko alam kung okay ba sakanya o hindi na nandito ang anak ko