Chapter 7
Chapter 7
"I'M TRULY sorry, Ma'am and Sir. Nagkaroon po kami ng maliit na tampuhan ng prinsesa ninyo kaya
nakawala po siya sa renda ko. Hindi ko po sinasadya. I promise this won't happen again." Agad na
sinabi ni Alexis sa mga magulang ni Diana na sumalubong sa kanya sa pinto ng mansyon ng mga ito
nang gabing iyon.
Buong araw na hindi mapakali si Alexis dahil kay Diana mula nang ipaalam sa kanya ni Manang
Renata na nanggaling sa kanilang bahay ang dalaga at nagmamadali ring umalis matapos siyang
makita sa kanyang kwarto. Marahas na napabuga siya ng hangin. Simula nang maging malapit siya sa
dalaga, hindi na siya kailanman tumingin sa ibang babae. Sapat na sa kanya ang presence ng
itinuturing niyang bestfriend. Kung tutuusin, higit pa nga sa sapat si Diana.
Nagkataon lang na matapos niyang ihatid ang dalaga noong nagdaang gabi, naabutan niya ang
senador sa kanilang bahay. Nagkainitan sila uli nang utusan siya nitong magtrabaho sa architectural
firm ng panganay nitong anak kapag naka-graduate siya. Ito raw mismo ang magrerekomenda sa
kanya roon.
Kahit kailan, hindi na yata darating pa ang panahong mauunawaan ni Alexis ang senador. Lulubog at Content is © 2024 NôvelDrama.Org.
lilitaw ito sa buhay niya at sa oras na lumitaw, gusto pa siyang kontrolin. Anong gusto nito? Ang araw-
araw iparamdam sa kanya ang pagiging bastardo niya sa oras na magtrabaho siya sa ilalim ng
pamamalakad ng legal nitong anak?
Diana had become a necessity in his life. Sa tuwing nasasaktan si Alexis, ang dalaga ang nagsisilbing
gamot niya. Ang ngiti nito, ang malamyos na boses, ang mga titig na puno ng pagtanggap at ang
yakap nito ang naging sandalan niya. Sa tabi nito ay naiibsan ang lahat ng sakit. Sa tabi nito,
natututunan niya ang ngumiti uli. Pero hindi niya makuhang tawagan o puntahan si Diana matapos ng
argumento nila ng senador dahil dis-oras na ng gabi. Nakahiyaan niya nang abalahin pa ito kaya sa
isang bar siya napadpad. Doon niya nakilala ang babaeng nadatnan nito sa kwarto niya.
Heck, ni hindi niya matandaan ang pangalan ng babaeng iyon. Nang malaman niyang umalis si Diana
ay nagmamadaling hinabol niya na ang dalaga. Ibinilin niya na lang ang estranghera sa kanyang
kwarto kay Manang Renata matapos niyang mag-iwan ng pera.
Tinawagan niya si Diana sa mansyon ng mga ito. Pero hindi daw ito umuwi roon ayon sa kasambahay
na sumagot ng kanyang tawag kaya inisa-isa niya ang mga flower shops na madalas nilang bisitahin
noon pati na ang mga lugar na paborito nilang puntahan pero hindi niya ito natagpuan.
Walang sinagot si Diana isa man sa mga tawag at text messages niya. Iyon ang kauna-unahang
pagkakataong ginawa iyon sa kanya ng dalaga kaya kanina pa parang may nagrarambulang daga sa
kanyang dibdib dala ng pag-aalala. Kung hindi pa tumawag sa kanya ang ina ni Diana at ipinaalam na
nakauwi na raw ang anak nito at inihatid ni Laurice, siguradong nasa kalsada pa rin siya hanggang
ngayon at tuliro sa paghahanap.
Nakakatakot palang magtampo si Diana. Tatandaan niya ang pagkakataong iyon at sisiguruhing hindi
na iyon mauulit pa. Ayaw niya nang makaramdam uli ng ganoong uri ng pag-aalala at takot lalo na at
inalis na sa wakas ang mga bodyguards ni Diana. Iyon ang hiniling nito sa mga magulang bilang
graduation gift: ang makalaya mula sa mga bantay nito. Sigurado man siyang napipilitan lang ang mga
magulang ni Diana ay pinagbigyan pa rin ito sa kahilingan nito.
Inihanda na ni Alexis ang kanyang sarili sa sermon ng mga magulang ni Diana nang makapasok ng
mansiyon. Sinenyasan siya ng mga itong maupo sa sala. Ninenerbiyos na tinapik-tapik niya ang
kanyang binti. Kung gaano siya kakomportable sa anak ng mag-asawang Ferrel ay ganoon naman siya
katensyonado pagdating sa mga ito. Siguro, dahil alam niyang hindi pa buo ang pagtanggap ng mga
ito sa kanya bilang matalik na kaibigan ni Diana kahit pa hinahayaan siya ng mga itong makabisita sa
mansiyon. Parating civil ang mag-asawa tuwing nakikita siya.
"Alam mo bang halos kilala ka na namin dahil ikaw ang laman ng mga kwento ni Diana araw-araw?"
Simula ng ina ni Diana. "We almost memorized everything about you from your favorite color down to
your favorite food. That's how much you've influenced our daughter. At siyempre, masaya kami. Dahil
hindi na siya gaya ng dati na parang napipilitan lang kung pumasok, na parang napipilitan lang kung
ngumiti o makisaya sa iba. She had forgotten about the pain brought by Yves' death. And that was fine.
Hanggang sa mabalitaan namin mula kay Laurice na ikaw ang dahilan kung bakit siya nagpakalasing
ngayon sa kauna-unahang pagkakataon. Alexis, can't you consider our princess as someone more
than your best friend?"
Nabigla si Alexis. "Ma'am?"
"Oh, quit with the ma'am and sir thing. From now on, just call us tito Lino and tita Martha." Ngumiti ang
ginang. "You've passed our test. Araw-araw sa nakalipas na mga buwan, lihim na pinasusundan pa rin
namin kayo ni Diana sa mga dating bodyguards niya. At wala naman kaming maipipintas. Lahat ng
mga litratong ipinakita sa amin nina Nick at Ador ay puro masaya at nakangiti ang anak namin at-"
Hinawakan ni tito Lino sa kamay si tita Martha na para bang pinatatahimik ang huli. "Ako na, Martha.
Masyado ka nang nagiging madaldal." Marahang sinabi nito bago hinarap si Alexis. "We did a
background check on you the very first time Diana mentioned you to me and Martha. Kaya nang una
tayong magkita, kilala na kita. Bukod pa sa kasosyo ko sa negosyo ang iyong ama."
Napalunok si Alexis.
"Alam mo bang kahit kailan ay hindi ko nagustuhan ang iyong ama? Until now, I'm still wondering why
the heavens gave him the balls when the lesbians deserve those more than him. Ang senador ang
dahilan kung bakit ayoko sa 'yo noong una. Pero nagawa mong ibangon at patunayan ang sarili mo,
Alexis. Wala ka nang gulong sinalihan at ayon sa source ko, nangunguna ka daw sa klase n'yo
ngayon. That's something, son." Sa wakas ay ngumiti si tito Lino. "Diana was right fighting for you."
Hindi agad nakapagsalita si Alexis. Parang may namuong bara sa kanyang lalamunan sa mga narinig.
Son. Ngayon lang may tumawag sa kanyang ganoon at hindi niya inaasahang magmumula pa iyon sa
mismong bibig ng ama ni Diana.
"Alam mo bang nang una tayong magkita ay binanggit ko na kay Diana ang nalalaman ko tungkol sa
'yo? And the cat that I knew suddenly became a tigress the moment I told her my doubts about you
being friends with her." Bumakas ang amusement sa mukha ni tito Lino. "Ingatan mo sana ang aming
Diana, Alexis. Ayoko nang maulit ang paglalasing niya ngayon." Mayamaya ay seryoso nang dagdag
nito. "Sana ay magawa mong patuloy na patunayan sa amin na tama ang ginawa niyang
pagpapapasok sa 'yo sa buhay niya." Itinuro ni tito Lino ang hagdan. "Puntahan mo na siya and...
yeah, welcome to the family."
Ilang minutong hindi nakapagsalita si Alexis. Napatitig lang siya sa mga magulang ni Diana. Nang hindi
na mapigil ang sarili ay tumayo siya at niyakap ang mga ito. "Thank you, t-tito and tita."
Narinig niya ang marahang pagtawa ng mag-asawa. Tinapik siya ng mga ito sa balikat. Nag-init ang
kanyang mga mata sa hindi inaasahang pagtanggap mula sa mga Ferrel. Ilang taon niyang pinangarap
na maranasan iyon mula sa kanyang mga magulang pero heto at ibinigay sa kanya ng mga magulang
ni Diana.
Nang bumitaw si Alexis sa mag-asawa ay nangingiti pang pinunasan ni tita Martha ang pumatak na
butil ng luha niya. "Don't cry, young man. You're going to ruin your reputation."
Napangiti na lang si Alexis bago nagpaalam na sa mag-asawa at parang may pakpak ang mga paang
nagpunta sa kwarto ni Diana. Sandali siyang nahinto sa kinatatayuan matapos mabuksan ang pinto at
bumungad sa kanya ang nahihimbing na dalaga. Ilang beses niya na itong nakikitang natutulog pero
hanggang ngayon ay hindi pa rin sanay ang sistema niya sa kagandahang bumubungad sa kanya.
Nang makabawi ay dahan-dahan siyang humakbang patungo sa kama. Naupo siya sa tabi ni Diana at
pinagmasdan ang maamo nitong mukha. Mula't sapul ay naiiba ang dalaga. Habang ang lahat, abala
sa panghuhusga sa kanya, ito ay abala naman sa pag-iisip kung paano siya maisasalba. Naririnig nito
ang mga bagay na hindi niya sinasabi. Para itong may koneksiyon sa puso niya. Dahil alam nito ang
mga nararamdaman niya.
Kung tutuusin, una pa palang nalaman ni Diana mula sa sariling ama ang tungkol sa mantsa ng
pagkatao niya pero hindi ito nagsalita. Hinintay lang nitong umamin siya.
Pinadaan niya ang mga daliri sa malasutlang pisngi nito. "Bakit sinalo mo na lahat ng magagandang
katangian sa mundo? That's not fair, Diana. Hindi ka na nagtira para sa iba." Nang maalala ang ginawa
ng dalaga na paglalasing ay napabuntong-hininga si Alexis. "Akala ko ba magkaibigan tayo? Why did
you have to conquer those liquors with someone else? Alam mong isang text lang, darating na ako,
Diana."
Para namang narinig siya na dahan-dahang nagmulat ang dalaga. Bakas ang magkahalong antok at
kalasingan sa anyo nito nang tumuon ang mga mata sa kanya.
"Axis?" Namamaos na sinabi nito.
Masuyo siyang napangiti. He didn't know he was capable of gentleness until he met this woman. Ni
hindi niya malalaman na may puso pa pala siya kung hindi niya ito natagpuan. Hindi niya rin alam na
may kapasidad siyang magbago at maging magalang kung hindi dahil sa mga magulang nito.
Napakaraming nabago sa kanya sa pakikipaglapit kay Diana, mga pagbabagong hindi nito hiniling pero
kusa niyang binigay dahil iyon ang nararapat para rito.
Si Diana lang ang tumatawag sa kanya ng "Axis". And he liked the sound of it straight from her lips.
"Yes?" Mahinang tanong ni Alexis kasabay ng masuyong paghalik sa noo ng dalaga. "What is it?"
"I'm in love with you, Axis. And I was jealous, you fool." Halos pabulong na sinabi nito na nakaabot pa
rin sa kanyang pandinig. Mayamaya, muli itong pumikit at tuluyan nang bumalik sa pagkakahimbing.
Napaawang ang bibig ni Alexis. Nang makabawi sa pagkabigla, mabilis na napatayo siya at lumayo sa
kama ni Diana. Ikinuyom niya ang mga kamay para pigilan ang mga iyong abutin ang dalaga.
"I'm sorry, Diana. But I don't deserve you. Magpapanggap akong walang narinig dahil hindi pwede 'to."
Nagsikip ang dibdib ni Alexis. Ayaw niya nang isipin pa kung bakit. Gusto niyang maging masaya dahil
sa dinami-rami ng lalaking nararapat, siya ang minahal ni Diana. Pero agad ring natakpan ng lungkot at
takot ang sayang iyon. "Hindi pwedeng maging tayo. We can only be friends, Diana. That way, I will
never lose you. Because... I can't lose you."