CHAPTER 20: Paglilihim
(Patty)
Nagising na lang ako na nasa loob na ng clinic.
"Girl okay ka lang?" ani Lina na nasa tabi ko. Nginitian ko siya at tumango. "Oh my God! Pinakaba mo kami Patty."
Mabilis na lumapit ito sa tabi ko at yumakap. Napangiti ako sa gesture niya na iyon. Napansin ko lang napakalambing nitong si Lina hindi ako nagkamaling maging kaibigan siya. Nawala ang ngiti ko at napalitan ng pagkalito ng mapansin ang paligid.
"Bakit pala ako naririto?"
"Hindi mo ba alam? Wala kang matandaan?"
Bago sumagot nilibot ko muna ang paningin at umayos ng upo. "Ang huli ko lang natatandaan may lalakeng humigit sa'kin palabas ng auditorium at may nagtakip ng panyo sa bibig at ilong ko. Tapos ayon nawalan na ako ng malay." Nakita ko kung paano nawalan ng kulay ang mukha ni Lina.
"Seryoso? Nakita mo ba ang mukha no'ng lalake na tumangay sa'yo?"
"Hindi e." sagot ko na lang kasabay ng pag-iling.
"Princess."
"Pat-Pat."
"Patty."
Sabay kaming napalingon ni Lina sa pinto ng halos mag-unahan sa pagpasok ang Zairin boys.
"Thank goodness okay ka na." ani kuya Renz na dali daling umupo sa tabi ko sa kama.
"The security, checking all the CCTV's sa paligid ng auditorium maging sa lahat ng entrance and exit nitong University. Mahuhuli din ang gago na gumawa sa'yo n'yan Cutie pie." gigil na sabi pa ni kuya Niko. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Kitang kita kasi sa kanilang lahat na sobra silang concerned sa'kin. I am blessed to have them.
Nawala unti unti ang ngiti sa labi ko at napalitan ng pagkunot noo ng mapagawi ang tingin ko kay kuya Lance na nakaupo na naman sa couch at may hawak na libro. I don't know pero may iba akong nararamdaman sa kanya hindi ko alam kung ano pero ewan ang weird ko. Ipinilig ko na lang ang ulo ng bigla lumingon ito sa'kin, matagal bago sumilay ang ngiti, kinabahan ako. Bigla kinilabutan ako sa paraan ng pagngiti niya. Kinilabutan not in a bad way I don't know basta ang gulo. May something talaga sa kanya.Contentt bel0ngs to N0ve/lDrâ/ma.O(r)g!
Mabilis din naman akong nakalabas ng clinic dahil okay na ako. Ang mga Zairin boys lang naman ang mga OA, gusto pa akong dalhin sa hospital.
"Alalayan na kita Patty."
Napahinto ako sa paglalakad maging ang lahat ng marinig namin ang sinabi ni kuya Lance. Seryoso? Kung ako nga nagulat, ang mga Zairin boys pa kaya? Mas kilala nila si kuya Lance. "May sakit ka ba pareng Lance?"
Tumawa lang ito na para bang ang big deal naman ng tanong ni kuya Niko.
"I just want to be friends with Patty, parang kayo sa kanya, diba? At saka nag aalala din ako para sa kanya."
Tama naman si kuya Lance. Napatango tango lang naman sila at hinayaan na lang si kuya Lance na alalayan ako sa paglalakad.
Siguro masyado lang akong nag-oover think. Hindi na ako pinapasok ng ibang prof. namin dahil sa naging kalagayan ko kaya maaga na nila akong pinauwi dahil wala naman daw importanteng lessons ngayon.
As always pagdating ko sa bahay halos maghisterical na naman si mommy but I assure her na okay lang ako. Hindi ko na sinabi ang totoong nangyare, sinabi ko na lang na medyo nahilo ako para hindi na siya mag isip pa ng kung ano.
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Nasa kwarto na ako nakahiga at nakatitig lang sa kisame. Kahit ilang beses kong iniisip at pilit na kinikilala ang lalake na gumawa ng bagay na 'yon sa'kin kanina sa auditorium hindi ko pa rin makita ng malinaw ang mukha niya lalo na't may suot siyang face mask at baseball cup na parehong black ang kulay.
Ano kaya ang kailangan niya sa'kin?
Napapitlag ako ng tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa side table. Masyado na yatang malalim ang iniisip ko. Umilaw iyon tanda na may message ako. Kinuha ko naman agad iyon at binasa.
"Be careful next time..."
"Sino naman 'to?" nangunot ang noo ko dahil unregistered number iyon. "Baka wrong send lang."
Ibabalik ko na sana iyon sa side table ko ng tumunog muli iyon. Another message from the same number. "Patty..."
Kinilabutan ako bigla ng mabasa ang pangalan ko. Kilala niya ako? Nawala tuloy ang antok ko. Napakibit balikat ako dahil wala akong idea. Dinedma ko na lang iyon at baka isa lang sa mga Zairin boys at saka wala rin naman akong load para reply-an ang text na iyon.
Dahil maaga pa naman hindi pa ako natulog. Nagbukas na lang muna ako ng facebook at kulang na lang talaga pasukan ng sandamakmak na langaw ang bunganga ko ng mabuksan ang facebook ko. Inisa isa ko at lahat talaga ng Zairin boys in-add ako. Ngayon na lang kasi ako ulit nag open ng facebook account ko hindi naman kasi ako mahilig dito.
"Okay tapos na." ngiting ngiti na umayos ako ng higa.
In-accept ko kasi lahat ng friend request nila. Maya maya lamang sunod sunod din silang nagsipag chat sa'kin. Pare pareho lang naman sila ng chat sa'kin na kung safe ba akong nakauwi at magpahinga akong mabuti. Nakakatouch lang talaga dahil hindi ko inakala na magiging ganito silang lahat sa'kin. Sobrang thankful na ako noong si kuya Renz pa lang ang nakakasundo ko sa kanila pero mas masaya pala ang ganito kapag lahat sila kaibigan ko na ngayon.
Hindi ko inaasahan ang maririnig mula kay mommy at daddy na nag-uusap ng lumabas ako ng room ko at pumunta sa room nila. Hindi ko alam na nakauwi na pala ng daddy. Gusto ko lamang sanang yayain si mommy na kumain dahil nakaramdam na ako ng gutom. Nanginig ang mga tuhod ko at feeling ko any minute babagsak ako. Napatakip ako ng bibig dahil sa sobrang shock na nararamdaman ko. "Maging ang naging sunog sa tagaytay ay hindi niya rin sinabi sa atin. Kung hindi lang dahil doon sa nagreport sa'kin hindi ko pa malalaman."
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Paano nalaman nila mommy ang tungkol doon? At sino ang nagreport sa kanya? Taga university ba? Pero sino?
"Nagsisinungaling na sa'tin si Patty. Ano ang gagawin natin?" kunot ang noo na tanong ni mommy kay daddy na wala rin naman naisagot sa kanya at malayo lamang ang tingin.
"Do you think may naaalala na siya?" tanong ni daddy kay mom na umiling lang at mababakas ang pagkabalisa.
"Paano nga kung may naaalala na siya? Anong gagawin natin?" niyakap ni dad si mom marahil upang pakalmahin.
Pero anong sinasabi nila mommy? Anong alaala ang nakalimutan ko?
"Ikaw ang may kasalan nito e."
"At bakit naging kasalanan ko?" kunot noo na tanong ni dad.
"Kung hindi ka nagdesisyon na manatili tayo dito sa manila edi sana hindi nila malalaman na naririto siya at buhay."
"You knew that it was hard for me too. Nahirapan akong magdesisyon noon pero pumayag ka rin. This is not just my fault pareho tayong pumayag dahil sa business. Na once matapos ang pagpapatayo dito babalik tayo sa dati nating tinitirhan sa probinsiya." galit na usal ni daddy kay mommy.
Nagtatalo na sila at nagsisisihan. Natahimik si mommy at umiyak na lang. Napaupo ito at itinakip sa mukha ang dalawang palad.
"Paano kung bigla malaman nila ang ginawa natin noon? Mawawala satin si Patty. Ayokong mangyare 'yun." umiiyak ng turan ni mommy.
Niyakap ni dad si mom. "Don't worry, gagawa ako ng paraan." kumpiyansang sagot ni dad.
Matapos marinig ang mga bagay na iyon hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko. Hindi ko na alam ang iisipin pa. Pangalawang beses na ito na pinag-usapan nila mom and dad ang kukuha daw sa akin pero sino ang kukuha sa'kin? At saka, bakit nila ako kukunin? Ano ba talaga ang nangyayare?
Kailangan kong malaman kung sino ang nagrereport sa kanila. Umalis ako sa gilid ng pinto ng kwarto nila dad at marahang naglakad palayo roon at bumalik sa kwarto ko. Napaisip ako, sino nga kaya ang nagrereport sa kanila?