Langit Sa Piling Mo (SPG)

Chapter 35:Deal



HINILA ni Jhaina sa hindi mataong lugar si Zoe. "Sino ka bang gago ka, ha? Hindi tayo talo kaya tantanan mo na ang pagbuntot sa akin na parang aso!" Banaag sa mukha ng lalaki ang nasaktang emosyon ngunit hindi siya nakaramdam ng kunsensya.

"Ako ang kasama mo noong naaksindinte ka."

Nanlaki ang mga mata ni Jhaina na tumingin sa binatang intsek. "No!" Umiiling na humakbang siya paatras. "Nagbibiro ka lang hindi ba?" bakas sa boses niya ang pagkabahala. Ayaw niyang alalahanin ang nangyari sa kanyang pagkawala. Hindi matanggap ng kanyang sikmura na may gumalaw na lalaki sa kanyang katawan. Naipagdasal niya noon na sana ay walang ibang makakaalam sa nangyari pero hindi dininig ang kanyang dasal.

"Tutulongan kita na maalala ang lahat upang bumalik ka na sa akin." Masuyong kausap ni Zoe sa dalaga. Kahit slang ang tono ng kaniyang pananalita ay wala siyang pakialam.

Parang biglang lumaki ang ulo ni Jhaina nang magsalita muli ang lalaki. "Ikaw ba ang nagsamantala sa katawan ko?" Nanlilisik ang mga mata na tanong nito sa kausap.

"We live together as husband and wife."

"Hayop ka!" Pinagsusuntok niya ito sa dibdib dahil sa galit, "sinamantala mo ang kahinaan ko noong wala ako sa aking sarili!"

"I'm sorry, takot akong mawala ka kung kaya nagawa ko ang bagay na alam kong mali!" Pilit na hinuli ni Zoe ang kamay ng dalaga upang pigilan ito sa pagwawala. Sanay na siya sa lakas nito na parang hindi babae kung umasta. "Stay away from me!" Tinulak niya si Zoe at pinukol na masamang tingin nang umiling ito bilang tugon.

"Kapag hindi ka nanahimik at lumayo sa akin, idedemanda kita bilang rapist!" banta niya dito, wala siyang balak na malaman ng pamilya na ito ang salarin noong siya ay nawala. Tiyak na ipipilit ng mga ito na panagutan siya ng lalaki lalo na at kilala ng kanyang pinsan.

"Nakahanda akong panagutan ang nagawa ko sa iyo." Seryoso na turan ni Zoe. Hindi nagpatinag sa galit ng dalaga. "F*ck you! Go to hell! " Bulyaw niya sa binata at itinaas pa ang middle finger sa mukha ng lalaki bago iniwan ito. "Baby-"

"Huwag mo siyang sundan!"

Naudlot ang paghakbang ni Zoe at napalingon sa lalaki na sumulpot mula sa kanyang likuran.

"I heard everything!" nakangisi na wika muli ni John Carl nang magkaharap na sila ni Zoe. Masaya siya sa halip na magalit sa kaalaman na ito ang salarin na akala nila ay may nagsamantalang masamang tao sa kapatid. "Who are you?" Malagom ang boses na tanong ni Zoe sa estrangherong lalaki.

"John Carl, her brother!" Pakilala nito sa sarili habang sinusundan ng tingin si Jhaina.

"Sorry for my behavior!" Bahagyang yumukod si Zoe sa kaharap. Bigla siyang kinabahan sa kaalaman na kaharap ang pamilya ng babaeng iniibig.

"Hindi mo na kailangan maging pormal sa akin, I want you to know that I'll be on your side!" Tinapik niya ang lalaki sa balikat upang hindi na mailang sa kanya.

"Thank you!" Nabuhayan ng loob si Zoe, hindi na siya mahirapan ngayon na mapalapit sa dalaga na hindi siya naalala.

Parang mababaak ang ulo ni Jhaina habang nakahiga sa kanyang silid. Naroon pa rin sila sa Boracay at mula nang makaharap ang estrangherong lalaki ay hindi na bumuti ang kaniyang pakiramdam. Tumunog ang message tone ng kanyang cellphone kung kaya napabangon siya.

"I am your husband and I will do anything to win you back either you like it or not!" From unknown number.

"Darn! Bakit alam niya ang numero ko?" naitanong ni Jhaina sa sarili. Lalong sumakit ang kanyang ulo dahil nagsusumiksik sa kanyang nalilitong isip ang mukha ng lalaki.

"I sent this video to you, it may help you to remind me." Another message from unknown person.

Nanlalaki ang mga mata ni Jhaina nang mag-play ang video. Hindi mapagkaila na siya nga ang naroon kasama ang lalaking kinainisan ngayon.

"Hey, what are you doing?" Tumatawa na tanong ng lalaki sa may hawak ng camera.novelbin

"Video, duhh!" mataray na sagot nang hindi niya nakikita sa video pero alam niyang boses niya iyon.

"I know, baby, but you don't have to do that!" Matamis ang ngiti at malambing na lumapit sa humahawak ng camera ang lalaki kung kaya na-focus nang husto ang poging mukha nito sa screen.

"Ang drama mo kasi kagabi, kesyo paano kung bumalik na ang aking alaala at hindi kita maalala. So I decide to do this upang hindi ka na puro what if what if. Just in case na bumalik na ang aking alaala, just show me this video." Nakangiti ang babae na kamukha niya sa screen nang tumutok doon ang camera.

"Oh my, God! What I've done to my self?" Napasabunot sa sariling buhok si Jhaina nang makita sa video na naghalikan ang nasa video. Nakapanguyapit pa siya sa batok ng lalaki at mas mapusok kung makahalik.

"Go to hell! Don't you dare to show that video to everyone or else, I'll sue you to the court!" halos mabutas ang screen ng kanyang cellphone dahil sa diin ng kanyang pagpindot sa bawat litra.

Hindi pa rin niya maalala paano nangyari na nakasama ang lalaki na iyon at mukhang na in love pa siya dito basi sa napanuod sa video. Hindi matanggap ng isip niya na naging pusong babae siya noong nawala siya sa kanyang sariling isip. "We had an intimate video also, baby, wanna see it?"

Naibato ni Jhaina ang cellphone pagkabasa sa mensahe galing sa lalaki. Nakikinita niya ngayon ang naaaliw na mukha ng lalaki na parang pinaglalaruan ang kanyang pagkatao ngayon. "Ililibing kita ng buhay na gago ka!" Inapak-apakan pa niya ang kawawang cellphone na ngayon ay durog na.

"Anak, ano ang nangyayari?" Nag-aalala na tanong ni Lucy habang kumakatok sa pintuan ng dalaga. Narinig niya itong nagsisigaw at may nabasag na bagay.

Pinakalma muna ni Jhaina ang sarili bago sumagot sa ina. "Sumakit lang po ng kaunti ang ulo ko, ma, pero nakainum na po ako ng gamot kung kaya huwag mo na ako alalahanin." "Narinig ko na may nabasag, buksan mo ang pinto, Anak!" pagpupumilit ng ginang.

"Nahulog po ang cellphone ko, mom, ok lang ako." Ayaw niyang pagbuksan ang ina dahil magulo ang kanyang buhok at naitapon ang ilang gamit kung kaya makalat sa kanyang silid. "Huwag masyadong mag-iisip ok? Sumunod ka sa labas kung okay ka na dahil hinahanap ka ng iyong mga pinsan."

"Five minutes, ma, I'll be there!" Pasigaw na sagot niya habang nililigpit ang nabasag na cellphone upang itapon sa basurahan kasama ang sim card.

Inayos na rin niya ang sarili nago lumabas ng silid. Pagdating sa labas ay parang sasabog ang puso ni Jhaina dahil sa galit. Naabutan niya si Rochelle na kausap ang lalaking dahilan nang pagkaguho ng kanyang mundo ngayon. Napabuga siya ng hangin sa bibig bago nagpasyang lapitan ang mga ito.

"Bhe!" malambing na tawag niya kay Rochelle na hindi napansin ang kanyang pagdating. Iyon ang kanilang tawagan kahit noon pa na hindi nito alam ang kanyang tunay na damdamin.

"Narito ka na pala, bhe, halika ipakilala kita kay Zoe!" Yumakap ito kay Jhaina upang pawiin ang selos na bumalatay sa mukha nito ngayon.

"Huwag na, bhe, gusto kong magpahinga kasama ka." Gumanti siya ng yakap sa babae at pinukol mg masamang tingin si Zoe na nakatingin sa kanya.

Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala si Zoe na tomboy ang dalaga bago pa man niya nakilala. Naikwento na ni John Carl ang lahat sa kanya pati ang numero ng babae ay ito rin ang nagbigay sa kanya.

Dahil sa pag-alala ay sumama si Rochelle sa kaibigan at nagpaalam na sa binatang bagong kakilala.

Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Jhaina kay Zoe bago nagpaakay kay Rochelle pabalik sa kaniyang silid.

"Aayawan mo na ba siya?" Seryoso na tanong ni Carl kay Zoe nang maiwan ito mag-isa.

"No!" Mariin na sagot ni Zoe dito. Wala siyang pakialam kung ano ang tunay na pagkatao ng dalaga. Nagawa na niya itong paibigin noon at naging babae nang mawala ang memorya ng isip. Alam niya na magagawa niya muli ang ganoon ngayong nasa tamang pag-iisip na ito.

"Good! Let us make a deal!" May naglalarong kaibang idea sa isip ni Carl na nakipagkamay kay Zoe.

"Deal!" Nakangisi na rin na sumang-ayon si Zoe sa kanyang bayaw. Nagkakasundo sila sa lahat ng bagay para kay Jhaina.

Ipinakilala siya nito sa mga magulang pero hindi sinabi ang tungkol sa naging relasyon nila ni Jhaina noong nawala ito.

"Dad, gusto niya si Jhaina," ani Carl nang makasundo na ng mga magulang ang bagong kaibigan.

"Baka mabigo ka lang, hijo na mapaibig siya." Bagamat masaya sa kaalamang may lalaking gustong sumubok na masungkit ang puso ng kanyang dalaga, nag-aalala pa rin siya na baka ayawan nito ang kanyang anak sa bandang huli kapag nalaman ang nakaraan nito.

"I will do everything, sir, just give me your approval na ligawan siya." Kampanti na tugon nito sa ama ni Jhaina. Nasanay na rin siya magsalita ng lengwahe ng mga ito dahil iyon ang gusto noon ng dalaga.

"Itutuloy mo pa rin ba ang balak mo kung malaman mo na may nakaraan siya na hindi maganda?" tanong ni Lucy sa binata. Gusto niyang makasiguro na hindi masaktan ang kanyang prinsesa sa bandang huli. "Kahit ano pa po iyan, tatanggapin ko at mamahalin siya ng buo!"

Napakunot ng noo si David na nakatingin sa binata. Kung makabitaw ito ng salita ay parang kilala na nito nang lubusan ang kanilang anak. "Then, good luck!" Tinapik niya ang balikat ng binata na halatang kabado. "Thank you, Sir!" Bahagya pang yumukod ang ulo niya sa ama ng dalaga.

"Sana ay mapalambot mo ang kanyang pusong lalaki." Bahaw ang ngiting sumilay sa labi ni Lucy.

"Cheers for Jhaina and Zoe!" Malakas na wika john carl at itinaas ang hawak na kopita na may lamang red wine.

Nahihiwagaan ang tatlong kaibigan ni Zoe na nakatingin sa mga ito mula sa kabilang table, kung saan nagkakasiyahan din kasama ang mga bagong kilalang babae.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.