Chapter 22
Chapter 22
DAHAN-DAHANG dumilat si Selena. Sandali pa siyang napapikit nang masilaw siya sa liwanag na
sumalubong sa kanyang mga mata. Nang unti-unti nang makapag-adjust, muli siyang dumilat. Iginala
niya ang tingin sa kinaroroonan. Base sa mga nakitang gamit at kulay ng kwarto ay nasisiguro niyang
nasa loob siya ng ospital.
Mayamaya, kumabog ang dibdib ni Selena nang makita ang nakatalikod na bulto ng mga magulang.
Mabilis siyang pumikit. Ginawa niya ang lahat para itago ang emosyon at para hindi makahalata ang
mga ito na nagkamalay na siya pero hindi niya nagawang itago ang pagluha.
Para bang sasabog ang dibdib ni Selena pero sinikap niyang manahimik dala ng sobra-sobrang takot
at galit sa puso niya. Takot sa ama at galit sa ginawa nito sa kanya. Pagkaraan ng ilang sandali, may
naramdaman siyang mga daliring marahang pumunas sa kanyang mga luha kasabay niyon ay may
mga kamay na humawak sa kanyang palad. Sa palagay niya ay may ilang oras din siyang
nagkunwaring tulog. Nang masigurong tahimik na ang buong paligid ay saka siya muling nagmulat.
Nabungaran ni Selena ang ama na tulog at nakayukyok sa kama niya habang hawak ang kanyang
kamay. Sa kabila naman niya ay naroroon ang nakatulog na ring ina na may hawak pang rosary. Wala
si Dean. Mapaklang napangiti siya kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha. Kung sabagay, ano pa
ba ang aasahan niya kung desidido na itong makipaghiwalay sa kanya? Hindi nga ba at pirmado na
nito ang annulment papers nila? This content is © NôvelDrama.Org.
Alam niyang sobrang nasaktan niya ang asawa. Siguro nga ay napagod na ito. At may dahilan ito para
mapagod lalo pa at napakarami nitong hirap na pinagdaanan nang dahil sa kanya at sa kanyang ama.
Nagsikip ang dibdib niya sa naisip.
Dahan-dahang kumawala si Selena mula sa pagkakahawak ng mga magulang. Buong ingat na
bumangon siya. Nakita niya ang isang bag sa gilid ng kwarto. Nang buklatin niya iyon ay naroon ang
mga bihisan niya. Mabilis na nagpalit siya ng damit. Nakita niya rin ang wallet ng ama sa bedside table.
Tulirong kinuha niya iyon at wala sa sariling tumakas ng kwarto.
Nang makalabas ng ospital ay agad na pinara ni Selena ang nakitang taxi. Takot na takot siyang
muling mahuli ng ama. Takot na takot siya na muli nitong ikulong sa kanyang kwarto. Gusto niyang
lumayo pero wala siyang eksaktong lugar na alam puntahan. Hindi sapat ang mga nakita niyang
pagbabago ng ama para mapanatag ang loob niya dahil ilang ulit na itong naging malupit sa kanya.
Ano ang assurance na hindi na iyon mauulit pa?
Mariing nakagat ni Selena ang ibabang labi. Gusto niyang puntahan ang kanyang mag-ama pero
nawawalan siya ng lakas ng loob na gawin iyon lalo na sa tuwing maiisip niya na kasalanan niya ang
pagkamatay ni Shera. Isinugal niya pati ang buhay ng kanyang anak nang gabing iyon. God… her
Shera was gone. Impit siyang napahikbi.
“Ma’am, saan po tayo pupunta?”
Nanatili siyang nakayuko at sa garalgal na boses ay binanggit ang address ng lupain nila ni Dean sa
Tagaytay kung saan nagsimula at nagwakas ang lahat sa kanya.
“Pero ma’am-“
Kinuha ni Selena ang wallet ng ama at naglabas ng ilang lilibuhin. Inabot niya iyon sa driver gaya nang
unang ginawa niya noong desperado rin siyang makatakas noon bitbit ang anak. Natahimik ang driver
at agad na tinanggap ang pera.
Nang malapit na sa natatandaang address nila ni Dean ang taxi ay pinahinto niya na iyon. Pinahinto
niya iyon sa mismong lugar kung saan nabago nang husto ang buhay niya. Hindi pa man nakakababa
ng taxi ay sunod-sunod nang pumatak muli ang mga luha ni Selena.
“Ah!” Napahawak si Selena sa kanyang dibdib kasabay ng paghiyaw. Napaluhod siya sa sementadong
kalsada. “Shera, anak, patawarin mo si Mommy. Anak ko… Diyos ko, ang anak ko.” Napatingala siya
sa kalangitan. “Anak! Hindi ko sinasadya. You know that I would never hurt you. Ilang libong beses
kong pipiliin na ako ang mapahamak kaysa ikaw.” Pumiyok ang boses niya. “I should have died with
you that night. Dapat ay isinama mo na lang si Mommy, anak.”
Hindi niya alam kung dapat niyang ipagpasalamat na nanumbalik na ang alaala niya dahil nanumbalik
din ang lahat ng sakit sa puso niya. Para siyang pinapatay. Ni hindi siya makahinga. “Shera, Mommy is
so, so sorry.”
Para namang nakikisama ang madilim na kalangitan sa pagluluksa ni Selena. Nagpakawala iyon ng
malakas na ulan at sumabay sa paghagulgol niya. Napatungo siya. Tuluyan na siyang naupo sa
basang kalsada. Isinubsob niya ang ulo sa kanyang mga tuhod. Wala na siyang pakialam anuman ang
sumunod na mangyari sa kanya. Tutal ay wala nang halaga ang buhay niya.
Nawalan siya ng anak. Sinukuan na rin siya ni Dean. Kung sabagay, sino ang hindi susuko sa kanya?
Kahit nga ang sarili niya ay gusto niya na ring sukuan ngayon. Mayroon pa siyang natitirang anak.
Pwede siyang manikluhod sa kanyang mag-ama para tanggapin siya pero ano ang silbi niyon kung sa
huli ay mahihirapan din ang mga ito nang dahil sa kanyang ama?
Oo nga at mayaman na si Dean. Pero anong garantiya na magiging maayos ang lahat nang dahil doon
kung sa nakalipas na mga araw ay alam niyang nagkainitan ang kanyang ama at ang ama ni Dean sa
hindi niya malamang dahilan? She didn’t want to take a chance anymore. Sumubok na siya noon. At
anong napala niya? Nagdusa lang ang kanyang mag-ama.
“Shera anak, kunin mo na si Mommy.” Nanginginig na sa lamig na bulong niya. “Nagmamakaawa ako
sa ‘yo. Kunin mo na si Mommy.”
Mayamaya, dahan-dahang nag-angat ng mukha si Selena nang maramdaman ang mga brasong
yumakap sa kanya. Sumalubong sa kanya ang mukha ni Dean. “Bakit ka nandito?” Halos pabulong na
lang na tanong niya. Nanginginig na ang kanyang mga labi.
Sa pagkagulat ni Selena ay binuhat siya ni Dean. Nagsimula na itong maglakad. “Sinusundo ka.
Nagbaka-sakali ako nang pumunta ako rito, umaasang dito kita matatagpuan. Mabaliw-baliw ako
kanina nang hindi kita makita sa ospital samantalang nawala lang ako saglit para magmakaawa sa
Diyos na ibalik ka sa amin. Pagbalik ko sa kwarto mo, wala ka na.” Marahang ngumiti ito nang tingnan
siya. “Hindi ko alam kung ano nang eksaktong nangyayari sa ‘yo. Pero kung nandito ka, malaki ang
posibilidad na bumalik na ang mga alaala mo.
“Nag-usap kami ni Adam kaninang umaga. Sinabi niyang nakipaghiwalay ka na raw sa kanya. It was
hard but we managed to clear things out.” Bumuntong-hininga si Dean. “At umaasa ako na sana ay
maayos na rin natin ‘yong sa atin.”
Walang buhay na napangiti si Selena kasabay niyon ay nagpumilit siyang bumaba mula sa
pagkakapasan ng asawa. Nakita niya ang pagdaan ng kirot sa mga mata nito pero naglihis na lang
siya ng mga mata. Tumutok ang paningin niya sa isang nakatayong dalawang palapag na bahay na
yari sa salamin ang mga haligi. Mariing nakagat niya ang ibabang labi. Iyon ang dream house niya.
Pigilan man ni Selena, muling nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya. Wala na yatang katapusan
pa ang magiging pagpatak ng mga iyon. Dahan-dahang humakbang siya palapit sa gate ng bahay at
hinaplos iyon. Nasunod ang gusto niya. Ang kulay ng gate… ay kakulay rin mismo ng mga mata ng
kanyang mag-ama.
Paano… paano nauwi sa bangungot ang isang magandang panaginip na mayroon sila ng kanyang
pamilya?
Humarap si Selena kay Dean. Nahuli niya itong nakatitig rin sa kanya na puno ng pangungulila ang
mga mata. Bumuka ang bibig niya para magsalita nang masilaw siya sa liwanag na nagmumula sa
headlights ng isang kadarating lang na sasakyan na pumarada sa harap nila ng asawa. Paglingon niya
roon ay nakita niyang mabilis na bumaba mula roon ang kanyang ina kasama ang kanyang… ama.
Nanlaki ang mga mata ni Selena. Dinagsa ng takot ang buong sistema niya. Naaalarmang napasigaw
siya. Para siyang mawawala sa sarili nang manumbalik sa isipan niya kung paano siya hinabol ng ama
noon kasama ang mga tauhan nito.
“No, Daddy! No! ‘Wag kayong lalapit, please! Tama na po. Tama na.” Nagmamakaawang napaluhod si
Selena kasabay ng kanyang paghagulgol. “Tama na, parang awa nyo na. Hindi ko na kaya.” Napailing
siya. “Hindi ko na kaya.”
“ANAK!”
Nabigla si Selena nang sa halip na bulyaw, masasakit na mga salita, o sampal ay lumuhod rin ang
kanyang ama sa harap niya. Marahang ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito kasabay ng
pagtangis nito.
“Do you know how painful it was for a father to see his only daughter tremble in fear upon the mere
sight of him? To hear his daughter beg just for him to stay away? Alam ko na dapat lumayo na ako sa
‘yo. At lalayo ako, anak, maniwala ka. Pero ayokong gawin iyon nang hindi man lang nakakahingi ng
tawad sa ‘yo. I only wanted you to have the best of everything. Mali ang paraang ginamit ko, alam ko
na iyon ngayon. Mali rin ang excuse ko pero iyon lang ang maibibigay ko.
“Kahit pa noong magmakaawa ka at magbanggit sa akin ng tungkol sa pagmamahal, nagbingi-bingihan
ako kasi noong panahon na iyon, hindi gaanong pamilyar sa akin ang salitang iyon. As the only child I
have, I knew I love you but that’s just it. Kaya nang bumalik ka, pinagpilitan ko kung ano iyong inaakala
kong tama.” Gumaralgal ang boses ng ama. “Dahil bago pa man nagkaroon ng ATC, nahirapan kami
ng husto noon ng lolo mo. We were the poorest among the poors. Ilang beses sa buhay namin,
naranasan namin ang matulog nang walang laman ang sikmura.”
Napamaang si Selena. Hindi niya alam ang bagay na iyon.
“Namatay ang lola mo at ang kapatid ko sa sakit dahil wala kaming maipampagamot sa kanila kaya
nangako kami ng lolo mo sa mga sarili namin na hindi na mauulit pa ang nangyaring iyon. Wala nang
mawawalang kaanak namin.” Patuloy ng ama. “Nagsikap kami. Your lolo met the Trevinos. And that
was the start of it. Umangat kami. Hindi kami tumigil hangga’t hindi nararating ang tuktok na baon ang
sakit na dulot ng namatayan dahil sa kahirapan.
“When your lolo set me up with your mother, I agreed. Your mother came from a very rich family so why
not, right? Naisip ko agad na dahil sa pinagsamang yaman namin, sigurado nang walang magugutom
na magiging anak ko. Walang mamamatay. Because we’re rich. Makakaya na namin silang ipagamot
sakaling magkasakit man sila. It was a foolish thought, I know. But that time, that thought was the only
one that kept me going.” Nagkibit-balikat ang ama, may mapait na ngiti sa mga labi.
“Kaya natakot ako para sa ‘yo nang mahalin mo si Dean. Leonna told me about him. Wala raw siyang
mamanahin. Patawarin mo si daddy, anak. Kung mukha man akong pera at iyon agad ang pinag-alala
ko. I worried that we’d lose connections with the Trevinos if you didn’t marry Adam. Defense
mechanism ko na lang ang pagsasabi sa kanila na mabubuwag ang ATC kung hindi matutuloy ang
kasalan para pagtakpan ang pagkaalarma ko. Naalarma ako kahit hindi naman dapat. Nagka-phobia
na yata dahil ako sa kahirapan.” Natawa si Zandro. “Natakot akong bumagsak tayo.
“Natakot ako hindi para sa sarili ko dahil pinagdaanan ko na iyon kundi para sa inyo ng mommy mo.
Nang panahon na iyon, nalugi ang mga negosyo ng pamilya ng mommy mo. May ilan rin akong
binuksang negosyo na hindi nag-click. Hindi ko na lang ipinaalam pa sa inyo. Iyon ang dahilan kaya
dumoble ang takot ko. That time, ATC was the only thing that saves us. I thought it was a major risk
choosing Dean knowing that all our transactions with the Trevinos depends upon the sole heir who I
thought was Adam.
“Nang panahon na iyon, nawalan na ako ng tiwala sa sarili ko dahil sa mga nagsarang binuksan kong
negosyo. Kaya paano kung nawala ang Trevinos, ‘di ba? Paano na kayo ng mommy mo? That was
silly. Nalimutan ko na mga simpleng babae lang pala kayo na hindi naman pera ang hanap. Nalimutan
ko na kaya mo palang tumayong mag-isa dahil may negosyo ka naman, Selena. Nalimutan ko na
magtiwala sa inyo ng mommy mo. Nalimutan ko rin na matalino at mahusay pala ang anak ko.”
“Daddy…” Inabot ni Selena ang mga kamay ng ama.
“It was only when the accident happened that I started to realized about that four-letter-word that
you’ve been trying so hard to tell me all these time. Nang mawala ang apo ko, sa maniwala ka man o
hindi ay nasaktan rin ako, anak. At hanggang ngayon, dala-dala ko iyon sa puso ko. Nang ma-
comatosed ka, nang makipaghiwalay sa akin ang mommy mo, nang maranasan ko ang mawalan hindi
ng pera sa pagkakataong ito kundi ng pamilya na naman, natuklasan ko ang ibig sabihin ng
pagmamahal. I just didn’t know how to show it afterwards. Masyado na akong nasanay sa pagiging
bato kaya nang kumatok ang pag-ibig, hindi ko alam ang gagawin ko. I’m so sorry, anak.”
Niyakap siya ng ama. Naipikit ni Selena ang namamaga nang mga mata sa yakap na iyon na ngayon
niya lang naranasan. Mayamaya ay humiwalay ito sa kanya. Itinayo siya ng ama bago ito malungkot na
ngumiti. “I was trying to fight for your mother but I guess, like you, she grew tired of me, too. Kaya
simula ngayon, hindi na tayo magkikita pa. Lalayo ako gaya ng sinabi ko dahil ayoko nang masaktan
kayo lalo na sa tuwing makikita ako. Ayoko nang maabutan kang luluhod uli at magmamakaawa ng
ganito para lang lumayo ako sa ‘yo kasi anak, masakit. Masakit na masakit dito.” Itinuro ng ama ang
kaliwang dibdib nito. Hinagkan siya nito sa noo. “Live your live the way you want to. Sana isang araw
ay mahanap mo sa puso mo ang kapatawaran para kay daddy.”
Sumunod na hinarap ng ama ang ina na noon lang namalayan ni Selena na nakalapit na pala sa
kanila. Walang dudang narinig rin nito ang mga ipinagtapat ng ama. “Patawarin mo ako kung ngayon
ko lang nasabi ang lahat ng ito, Carmel. What can I say? I’m a very proud man. I don’t go around
exposing my weaknesses. Patawarin mo rin ako kung sa tagal ng pagsasama natin ay ngayon ko lang
na-realized na mahal na mahal pala kita, kayo ng anak natin. And it’s because of that love that I’m
setting you both free from me.”
Napasigok ang kanyang ina. Gaya niya ay hinagkan rin ito ng kanyang ama sa noo bago ito tumalikod
at humakbang papunta sa sasakyan nito. Pasakay na san ito roon nang humabol ang kanyang ina at
niyakap ang huli.
“I still love you, Zandro.” Sa gitna ng ulan ay sigaw ng kanyang ina. “Let’s try one more time, shall we?”
Muli ay napahagulgol ang ama. Sunod-sunod na napatango ito. “I love you so, Carmel!”