Pieces of You

Chapter 1 Dragged



"Sol, my friend!" Napaface-palm agad ako sa pambungad sa akin ni Abby pagkapasok ko pa lang sa classroom. Tunog parang mangungutang e.

Napalinga naman ako sa maiingay naming mga kaklase. Wala pa ring pinagbago. Para pa ring nasa palengke. "Friend," Pangingisi-ngisi itong tumakbo papunta sa akin at sinabayan ako pabalik sa aming kinauupuan.

We both sat and she started talking like forever.

"Nabasa mo na ba 'yung sinasabi ko sayong story? 'Yung sa isang underrated writer na nagpublish ng In Another World With You? Sobrang nakakakaba 'yung story. Alam mo ba, ang galing niyang maglaro ng feelings ng mga readers niya. Parang kung paano ka niloko ng na loko sayo. Charot." Humalakhak ito na parang nababaliw na.

"Feel na feel ko 'yung bawat chapter. Kaya lang namatay' yung bida doon e." Spoiler alert. Sarap i-mute.

Napailing na lang ako sa umagang chismis nito.

Abby is a born chatterbox. Kahit na walang nagtatanong ay may sasabihin ito. Hindi ko nga alam kung napapagod pa ba itong magsalita dahil parang pasok na ito sa listahan ng mga hobby niya.

Inilapag ko ang bag sa aking mesa at nagpahalumbaba. Sikreto kong sinisilip ang lalaking nasa tapat ng bintana sa kanyang bahagi ng silid.

We are 1 chair apart. Kaya ganoon na lang ang pasa salamat ko na malapit ako sa kanya.

Pinakatitigan ko ang hubog ng kanyang mukha at bawat paggalaw ng kanyang kilay, pagkunot ng noo at pagkagat niya ng kanyang labi. Napakaseryoso ng aura niya at para bang may malalim na iniisip. I wonder what he's thinking.

Napadako ang tingin ko sa kilay nitong parang kadiliman sa gabi. It was pitch black but perfectly shaved. Nakasalubong ang mga ito kaya parang naeengganyo akong paghawiin iyon gamit ang mga daliri ko.

The thought of me brushing his brows and an inch before him made me blush.

Bumaba naman ang titig ko sa kanyang namumulang labi.

Uminit bigla ang pisngi ko at napapout ng wala sa sarili. How can his lips be so red and kissable?

Naririnig ko pa rin ang pagmamayabang ni Abby sa kanyang binabasa.

Nakuha na niya ng tuluyan ang inaantok kong atensiyon habang may kung anong hinahawi ito sa ere na para bang may ineexpect itong lalabas na hologram at ipapanood sa akin ang mga nangyayari sa kwentong iyon. Napabuga ako ng hangin. She's tiredless of talking.

"Ano? Nabasa mo na ba?" Niyugyog niya ang balikat ko nang manaka-naka akong pumipikit.

Ayaw paawat talaga e. Ang kulit.This text is © NôvelDrama/.Org.

Walang bago sa ganitong eksena.

As usual. Magkekwento iyan ng mga story na binabasa niya.

Minsan ay ang lakas pa ng boses niya e censored pala 'yung pinagkekwento niya sa akin.

Minsan rin ay umuungol ito ng wala sa oras kaya nahihiya na talaga akong kasama siya kapag may lumilingon sa amin dahil sa pinanggagagawa niya.

Ngayon naman heto. May bago na naman. Di pa daw tapos kaya inaabangan niya.

Ni hindi na nga ito natutulog kaya pansin ang tumatabang eyebags nito.

"Di ko pa nabasa." Antok at walang kagana-gana kong tugon sa tanong niya.

Maybe this is a perfect scheme for lying.

Mukha namang naniwala ito sa sinabi ko dahil nakita ko 'yung pagkadismaya sa mukha nito.

"What?! Sinabi ko na sayo last week 'yan e! Ba't di mo pa rin binabasa?"

Napalakas ang boses nito kaya di naiwasan ang pagtigil ng ingay sa klase at ang paglinga ng mga ito sa aming gawi.

Pati na rin si Nathan na kanina ay seryoso at diretso ang mukha ay lalong naging mas matalim ang tingin sa amin.

Nailang tuloy ako hindi dahil sa atensyong binibigay ng aming mga kaklase kundi dahil sa titig ni Nathan.

How can a stare made me sink in deep shame? Oh... kay. That was the first time I was embarrassed in front of him.

I'm not so surprised to see Abby careless of the attention she's getting. Instead, she raised a brow at them kaya bumalik naman agad sa dati ang ingay sa loob ng classroom.

"Sol! Sinasabi ko sayo, kapag di mo babasahin 'yung story it's like you'll miss half of your life!"

Minsan ay parang gusto ko na lang batukan agad itong best friend ko dahil sa taglay nitong pagka-eksaherada.

"Ano nga 'yung title? In Another World With You? Title pa lang tunog cliche na e."

Her initial reaction was to raise a brow at me dahil sa pangbabash ko sa binabasa niya. Napatawa na lang ako ng palihim.

"Miss Tolentino, you should never judge a book under your assumptions. Di mo pa nga nababasa, may say ka na. Napakakj mo. Kurutin kita sa singit e."

Nakakatuwa na ganoon na lang ang pagiging solid fan ni Abby sa kwentong iyon.

Even though I felt like it was a whole obsessive fantasy by a writer whose been loving a man secretly.

"Anyways, nabalitaan mo na ba? Well, I guess hindi pa base on your knotted perfect brows. Eto na nga, break na daw sina Keycee at Nathan! Akala ko talaga forever na sila e." She was so eager to tell me what she knows kaya natatawa ako sa mukha nito.

"Sa sobrang sweet at sobrang tatag nila, sino ang mag-aakalang magbebreak sila? 3 years din 'yun ah. Hay. Nakakastress!"

Noong narinig ko iyon sa kaniya ay uminit bigla ang pisngi ko at ganoon na lang ang pag-aalalang naramdaman ko para sa lalaki.

Kaya pala sobrang seryoso ng aura nito kanina. Kamusta kaya siya?

Kaya pala parang may bumabagabag sa kanya. He must've been hurt. Sino kaya ang nakipagbreak? At bakit?

Mayroon sa akin na nadismaya dahil sa relasyon nila pero at the same time masaya ako dahil single na ulit siya.

Naisip ko lang kung ako siguro 'yun, hindi ko na siya bibitawan pa.

Though he looks like a total snob, minsan ay nakita ko na rin itong ngumiti habang kausap si Keycee. His smile looks sincere and genuine. Nakakatunaw.

I prefer that kind of a man. 'Yung sa akin lang siya nagpapakita ng mga sweet gestures niya.

Possessive? Nah. Ayoko lang na may ibang nakakakita sa mga ngiti niya.

Biglang lumingon si Nathan sa gawi ko at napasinghap ako. Napasobra yata ang pagtitig ko sa kanya!

Nakakahiya! Baka kung ano na lang ang iisipin nun. Hindi pa naman ako nakakapuntos sa kanya, naturn off na agad sakin. Naku naman.

"Hoy, Sol! Nakikinig ka ba?! Oh? Ba't parang nagmarathon ka? Daig mo pa mga athlete na sumalang sa pagtakbo. Pinagpapawisan ka oh."

Tinuro naman nito ang mga butil ng pawis ko sa noo. Kapag talaga kinakabahan ako madali akong pagpawisan. Shit. Kalma, Sol. Wag kang magpahalata. "A-Ah. Wa-Wala-wala. Naiinitan lang."

Natawa naman ito sa sinabi ko. Saka ko lang narealize na naka-aircon pala ang room namin. You're so doomed, Sol. Urgh.

"Pag-igihan mo pa ang paggawa ng alliby, ha?" Abby in her sarcastic tone on.

"Tu-Tumahimik ka na nga."

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

Inikutan lang ako ng mata ni Abby at saka nagfocus sa kanyang cellphone na base sa hula ko ay nagbabasa na naman ng wattpad stories.

Mabuti na lang ay hindi niya masyadong pinansin ang pagalliby ko.

Mabuti na rin at ilang sandali lang ay pumasok na ang Physics Teacher namin.

At least his attention would be diverted on the teacher and not on me dahil nakakailang talaga. I would always have this feeling, stiffed whenever he stares at me. Para akong naeestatwa! Promise! Tinaob niya pa si Medusa!

Ganoon kalakas sa akin si Nathan!

Kinolektahan niya lang ang mga requirements namin at nagtanong kung ano raw ang gagawin namin sa 2 weeks na walang klase.

'Yung iba ay magbibeach raw. Yung iba naman uuwi sa kani-kanilang probinsya habang ang iba ay hindi na nag-abalang sumagot gaya ko. Sabagay, nasa bahay lang naman ako palagi e. I've got a bucket to do and one is to dive in deep thoughts and another. Until it multiplies.

Masyadong naging madali ang oras hanggang sa oras na ng uwian. Ang iba ay kasama ang kanilang barkada pauwi. 'Yung iba naman ay ginawang tambayan ang field at mukhang wala ng balak umuwi. Schedule namin ng paglilinis ngayon kaya nagpaiwan ang iba sa amin.

Kahit naman private 'yung school na pinapasukan ko kailangan parin naming maglinis dahil dakilang mga tagakalat ng basura yung mga classmates ko. Paraan na rin para madisiplina ang mga estudyante na maging malinis kahit saan. Tinapunan ko muna ng tingin si Nathan na nakaupo lang sa may bandang bintana. Mukhang wala tiong balak gumalaw muka sa kinauupuan nito.

Busy ito sa pagsulyap sa mga puno ng mahogany na nagpapatangay sa hangin. Bago pa ako mahuling nakatitig sa kanya ay tumalikod na ako.

Nauna na si Abby sa akin dahil may lakad daw silang magkapamilya. I wish I had a family to go together on a date out. Libre namang mangarap.

I grabbed the broom and started sweeping habang lumulutang ang isip ko sa mga bagay na wala ako.

I envy every student na nakikita kong nakakasabay ang kanilang magulang sa hapagkainan, sa mga lakad at sa mga okasyon cine celebrate nila ng magkasama. Dahil ako, di ko pa naexperience ang mga ganoong bagay.

I guess that would be the most wonderful feeling in the world. To have a parent that's with you althroughout.

Nangungulila ako sa kanila, oo. Nakakalungkot na sa hinaba ng panahon, hindi ko man lang sila nakapiling. Kahit sa mga importanteng okasyon sa buhay ko ay wala rin sila.

I guess, this is how it feels to have a wealthy and workaholic parents. Wala ng oras na mailalaan para sa anak nila.

I wonder how other child endures this kind of longing. Dahil ako, kinaya ko naman. Pero nakakalungkot.

Minsan, hindi ko maiwasang magself-pity.

Kaya ganoon na lang akong hinatak ng pagsusulat. Dahil sa paraan ng pagsusulat ako nakakatakas sa reyalidad ng buhay.

Sa pagsusulat din, naibabahagi ko yung nararamdaman ko; ang pangungulila at pagmamahal.

And yes, I was that writer who wrote that stupid story. The frustrated writer who wrote "In Another World With You".

I started writing the story 3 years ago. When I was so head over heels over Nathan. Sa loob ng apat na taon, siya lang ang naging crush ko.

He was the main reason why I wrote that story. Dahil hindi ko magawang umamin sa kanya, sa pagsusulat ko na lang idinaan ang nararamdaman ko para sa kanya. Crush pa din ba tawag doon?

O palihim ko na siyang minahal sa mahabang panahon?

Sa nararamdaamn ko para sa kanya umikot ang mundo ko. Lahat ng nangyari sa buhay niya ay alam ko sa loob ng tatlong taon.

I was so obsessed about him.

Ngayon ko lang narealize na kahibangan na pala yung ginagawa ko. Masyado akong naging focus sa kanya at nakagawa ako ng kwento na puro kahibangan din ang laman.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

Kaya napag-isipan ko na burahin na lang ang story. May parte sa akin na nalulungkot ako dahil halos sa story na to naibuhos ko ang mga hinanakit ko.

Alam kong may naghihintay na readers sa update ng story. Pero, desidido na ako.

As soon as I went home, hinanap ko agad ang laptop ko at binuksan ang Wifi para makaconnect at mabuksan ang account ko sa wattpad.

Unang lumabas sa screen ay ang library ko na may konting story na di ko pa nababasa. Ngayon na lang ako ulit naka-open ng account ko after a month nung last update ko at binulabog ako ng mga notifs ng readers ng kwentong binuo ko. Halos lahat sila pare-pareho ang comments.

"Update po, Miss A!"

"Ang tagal naman ng update Miss A! Miss ko na si Nathan mylabs. Huhu."

"Update, Update!"

May isa pang nakakuha ng atensiyon ko from the comments galing kay Abby.

"Hindi makatarungan ang pagkamatay ng bida. Miss A. Huhuhu. It's breaking my heart."

Natawa tuloy ako. Naisip ko kung bakit ko nga ba pinatay ang character na 'yun. Isa sa kahibangan ko ay ang pagpatay sa isang karakter na hindi naman justified ang pagkamatay niya.

Kaya gusto ko nang idelete yung story. Masyadong walang sense.

Binisita ko ang profile ko sa wattpad at diretso sa aking message board. Pinindot ko rin ang notify readers button at huminga ako ng malalim bago inilapat ang aking kamay sa keyboard ng laptop ko.

Panay ang pagbuntong-hininga ko habang nagtatype.

Pikit mata ako habang pinipindot ang button para mapost ang mensahe ko.

@foiralovos

Good afternoon po. Its been a while since nag-update ako ng story for Steal, Steel but I wanted to tell thar I will delete that story. Alam kong ang iba ay malulungkot pero desidido na poako. Masyado pong walang sense ang story at wala akong justice na naibigay para sa mga characters. Puro kadramahan ko lang po 'yun. Pasensiya na. Thank you for all the readers na nag-abang at naghintay pero hanggang dito na lang ang SS.

Just now

Wala pang isang minuto ay tumunog ang sound ng aking laptop. A notification. From Abby.

@abbyyyy

What?! Noooooooooo. Hindeeeee. Please poooo huwaaag. Iiyak ako Miss A. Huwag mong burahin. Ang tagal ko kayang naghintay sa update tapos ganito? Asan ang hustisya?! Huhuhu. Just now

Abby was really a fan of my work. But this should come to an end.

@foiralovos replying to @Abbyyyy

I'm sorry.

Pagkatapos nun ay isa-isa nang nagcomment ang mga reader ng SS. Hindi ko na lang binasa at tumuloy na sa pag-edit ng story ko at baka magdalawang-isip pa ako na idelete ito. This is it. Pinindot ko ang options at nakita ang delete button.

Are you sure you wanted to delete the story?

Decline Yes

Ito na. I took a deep breath at saka pinindot ang Yes option.

Pero bago ko pa man tuluyang mabura ang story ay biglang umikot ng napakabilis ang paligid. Halos masuka ako sa nangyari at napapikit.

Nang maramdaman kong naging kalmado na ang paligid ay saka ako namulat at...

... nagulat.

"N-Nasaan ako?"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.