The Fall of Thorns 1: Alano McClennan

Chapter 5



Chapter 5

“NATATAKOT ako na kapag tumagal pa tayo rito, baka sa dahon na lang ng saging tayo kumain sa

mga susunod na araw,” amused na sinabi ni Clarice. “Pangatlong plato mo na `yan simula kagabi,

Alano. Can’t you really wash the dishes without breaking anything?”

“Ano’ng magagawa ko?” salubong ang mga kilay na balik-tanong ni Alano habang winawalis ang

nabasag na plato sa sahig. “Dumudulas sila sa kamay ko.”

Tuluyan nang natawa si Clarice. “Nagrereklamo ka ba?”

“No,” mabilis na sagot ng binata bago bumalik sa paghuhugas nang maitapon na sa malapit na

basurahan ang mga piraso ng plato. “I was just frustrated. I can’t even impress you with the simple

things.”

Naglaho ang pagkaaliw niya nang makita ang matinding pagkadismaya sa anyo ni Alano. Noong

nakaraang gabi ay baso naman ang nabasag nito. Napatitig siya sa binata na patuloy pa rin sa

paghuhugas ng plato. She can see that he was trying his best to be careful with the plates this time. Sa

ginagawa ay bumabagal ang paghuhugas nito pero wala siyang narinig na reklamo.

Pangalawang araw na nina Clarice at Alano sa beach house na iyon sa Laguna na pagmamay-ari ng

binata. Sineseryoso talaga nito ang mga sinabi niya kahit pa tatlong araw ang inabot bago siya nadala

sa lugar na iyon dahil may mga bagay pa raw itong kinailangang tapusin na muna sa opisina bago

nakapag-file ng ilang linggong leave. Ikinagulat niya pa nang malamang iyon ang kauna-unahang

beses na gumamit daw ito ng leave.

Bago sila nagbiyahe papunta roon ay dumaan na muna sila sa supermarket para mamili ng ilang

linggong supply nila ng pagkain. Namangha rin si Clarice sa ilang cookbooks na dinala ng binata.

Noong nakaraang araw ay sinubukan nitong magluto ng sinigang na hipon na paborito niya. Iyon ang

kauna-unahang pagkakataon nitong magluto kaya nasorpresa siya nang pumasa iyon sa panlasa niya.

Salamat sa tulong ng cookbook, kahit pa kulang pa rin iyon sa asim. Noong nagdaang gabi ay si

Clarice na ang nag-volunteer na magluto ng hapunan para hindi naman masyadong isipin ng binata na

inaalila niya ito sa sarili nitong teritoryo. Ipinagluto niya si Alano ng sweet and sour na ayon sa

impormasyon na ibinigay sa kanya noon ni Radha ay isa sa mga paboritong pagkain nito.

Sanay siya sa pagluluto pati na sa mga gawaing bahay. Iyon ang dalawa sa mga bagay na natutunan

nila nina Maggy at Yalena simula nang mawala ang mga magulang nila. Ang Ninong Harry niya ang

nagturo sa kanilang magluto.

Isang tagumpay para sa kanya ang magustuhan ni Alano ang inihain niya. Ang binata parati ang

nagbo-volunteer na maghugas ng mga pinagkainan nila pero walang pagkakataon na naghugas ito na

hindi ito nakakabasag. Kung hindi baso ay plato. Bumuntong-hininga si Clarice. Minsan ay hindi niya

na alam kung ano ang iisipin. Alano has been trying so hard. He was a multimillionaire businessman

but when she teased him to clean the house, he really did. He mopped the floor. He washes the dishes

and cooks for her. And she had never seen a man so sexy while doing those things. Only he can pull it

off perfectly. Simply put, he was allowing her to call the shots here when he was not supposed to be

doing any of this.

Nagluto rin si Alano para sa kanilang almusal. But luck was not on his side that morning. Nasunog ang

nilutong tapa at basag din ang pula ng itlog na pinrito nito. Mapait din ang naging lasa ng sinangag

nito. And Clarice saw how upset he was. Pero walang reklamong kinain niya ang mga iyon sa kabila ng

pagpipigil ng binata. Pagdating ng tanghalian ay nagprutas na lang sila. Kaya nang magutom pareho,

kahit pa alas-singko pa lang ay nagluto na ang binata at kumain na sila. Inihaw na bangus iyon na

naperpekto nito. She couldn’t help but feel proud while looking at him. Who wouldn’t like this guy? He

could win the women’s hearts without really exerting an effort, lalo na kapag nagseryoso na ang binata.

“Step aside,” sa wakas ay sinabi ni Clarice. “Ako na lang ang maghuhugas diyan.”

“No.” Napailing pa si Alano. “I will deal with this. Simpleng bagay lang naman ito. Hindi naman siguro

mauubos ang plato at baso natin dito. O kung sakaling maubos, we can just buy in the nearest market

here.” Nilingon siya ng binata at kinindatan na para bang nakabawi na sa frustration. “Kaya kitang

gawing prinsesa kahit walang tulong mula sa iba, Clarice.”

Sa ibang pagkakataon ay siguradong agad na makukuha siya ni Alano sa sincerity sa boses nito. Kung

hindi siguro nangyari sa kanya ang mga nangyari noon, siguro ay matagal na nagpatangay na siya sa

mga linya nito, sa mga ginagawa nito, lalo na sa mga halik at haplos nito. But her heart was too heavy

with pain and bitterness that they were controlling her. Masyado pa siyang nalulunod sa sakit na dulot

ng nakaraan na maski sa Diyos ay nanawa na siyang maniwala at alam niya sa kanyang puso na

makalalaya lang siya sa mga alaalang bumibilanggo sa kanya sa oras na matupad niya na ang

pangarap na makapaghiganti kay Benedict.

Sa loob ng ilang sandali ay binalot ng yelo ang buong sistema ni Clarice kaya nang magsalita siya ay

hindi sinasadyang nahaluan na rin ng kalamigan ang kanyang boses. “Lalabas na muna ako sandali. I

want to watch the sunset.”

“Hey.” Palabas na sana siya ng kusina nang pigilan ni Alano sa kanyang braso. Napatingin siya sa

basang kamay nito na nakahawak sa kanya. Agad nitong inilayo ang mga kamay at ipinunas ang mga

iyon sa suot nitong apron. There was sadness in his blue eyes. “Nadidismaya na ba kita nang husto? I

promise I will do better the next time, Clarice. I’m sorry.”

Natigilan si Clarice. Sa hindi malamang dahilan ay namasa ang kanyang mga mata bago niya mabilis

na tinawid ang natitirang distansiya sa pagitan nila at sinugod ito ng yakap. “I don’t know what to say,”

she whispered. “Can I just hug you instead?”

Kahit na nalilito ay tumango ang binata at humigpit ang yakap sa kanya. “With pleasure, baby.”

“TELL me something about yourself,” mahinang sinabi ni Clarice habang nakatitig sila ni Alano sa

paglubog ng araw. Isinandal niya ang ulo sa balikat ng binata. Nakaupo lang sila sa buhangin habang

hinahayaang mabasa ng tubig dagat ang kanilang mga paa. “Saan ka lumaki?” pagtatanong niya pa rin

kahit pa alam niya na ang sagot.

Naramdaman niya ang paghalik ng binata sa kanyang ulo bago sumagot. “Sa Boston kami lumaki ng

mga kapatid ko kasama si Mama. Si Mama lang ang nakasama namin noon. Our father had been a

mystery to us ever since we were kids. Bihira namin siyang makita. Isang beses kada dalawang buwan

lang siya kung bumisita sa amin noon. He will call once in a while but that would be it. He always

seemed so busy back then.”

Right. He was busy destroying lives. “Really? Mabuti at hindi n’yo naisipang magtanim ng sama ng

loob sa Papa n’yo?”

“No, our mom is more than enough for us. Siya ang tumayong ama at ina sa amin. And she never

denied us the truth about her and dad. May iba daw na babaeng mahal si Papa. That was not so

difficult to guess dahil kung mahal niya si Mama at mahal niya kaming mga anak niya, sana pinag-

aksayahan niya kami ng oras. Because if there was something I learned from my mother, it was the

fact that love makes time.

“Mom had always been in love with our Dad. Hindi nawala ‘yong pagmamahal na ‘yon sa kabila ng

kinahinatnan ng relasyon nila. May nangyari sa kanila isang araw kaya napilitang pakasalan ni Papa si

Mama. Hanggang sa maging tatlo na kaming anak nila pero hindi iyon naging sapat para mahalin niya

kami. I must admit, once upon a time, I hated Dad. I know Ansel and Austin felt the same way, too.

Pero makulit si Mama. She kept telling us that it was not our father’s fault. At night, she used to tell us

stories about him, about how she met him, and why she fell in love with him. In her eyes, it looks like

our Dad would always be a magnanimous man.” Natawa si Alano. “Pinuno niya kami ng pagmamahal

hanggang sa isang araw, hindi na namin nagawang magreklamo sa nangyayari sa buhay namin. After

all, we have her. And that was what’s important. We learned how to accept things as they are, na

siguro, may mga bagay lang talaga sa buhay natin na hindi natin pwedeng ipilit. Nang matutunan

naming tanggapin iyon, hindi pa nakuntento si Mama. Tinuruan niya rin kaming maniwala sa milagro,

sa mga hindi nakikita at naririnig, tulad ng Diyos. She taught us how to pray, how to read the bible, and

to just live merrily.”

Ang mga McClennan... Naniniwala sa mga milagro at sumasamba sa Diyos. Hindi kaya nalalapit na

ang paghuhukom?

Clarice suddenly remembered how their Uncle Harry tried to renew their faith in God when they were

still in Nevada. He used to invite the three of them to the church. Pero hanggang sa huling sandali ng

buhay nito, hindi sila nito nadala sa simbahan. The wounds in their hearts were too deep that they just

couldn’t force themselves to believe in Him again. Humugot siya ng malalim na hininga sa naisip.

“Sa Boston, sabay-sabay talaga kaming nagsisimba nina Kuya Ansel.” Malinaw na narinig ni Clarice

ang pagkaaliw sa boses ni Alano. “Pero mula nang dumating kami rito, madalang na kaming

magsabay-sabay dahil sa mga trabaho. But we make it a point to still visit the church every now and

then. It has become a habit that we couldn’t break, not that we want to anyway.”

“That’s… nice to know. Kailan ba kayo dumating dito sa Pilipinas?”

“Seven years ago. May biglaan kasing nangyari. Lahat kami kinailangang umuwi para pamahalaan ang

kompanya. Good thing we all graduated from a business course, kaya hindi kami gaanong nahirapang

mag-adjust.”

Bumilis ang pagtibok ng puso ni Clarice sa narinig. Itinaas niya ang ulo at direktang tinitigan si Alano.

Iyon ang matagal na nilang inaabangan na magkakaibigan, ang malaman kung nasaan at kung ano

ang nangyari kay Benedict. “What happened?” Content © copyrighted by NôvelDrama.Org.

“It’s a bit… confidential, Clarice. I’m sorry. Ang panatilihing lihim ang kalagayan ni Papa ang tanging

paraan para maprotektahan siya.” Napailing si Alano. “Before we came in this country, he had been

receiving countless death threats.”

Simula nang bumalik sa Pilipinas si Clarice ay ngayon lang siya nakaramdam ng napakatinding

panghihinayang. She was almost on the edge of knowing the truth but had lost the chance. Malakas na

napabuga siya ng hangin. “Hindi ba sapat ang tiwala mo sa ‘kin para ipaalam ang nangyari sa pamilya

mo, Alano?” Sinadya niyang haluan ng pagtatampo ang boses. Kunsabagay ay iyon mismo ang

nararamdaman niya. Ang buong akala niya ay nakuha niya na nang buo ang loob ng binata na sapat

para pagkatiwalaan siya ng tungkol sa pamilya nito.

“It’s not that, Clarice. I’m sorry.” Nag-aalalang nilingon siya ni Alano. “What happened to our family was

something that we are not really proud of.” Napahigit ito ng malalim na hininga. “Pero hayaan mo,

dadalhin kita sa kanila isang araw para makilala mo rin sila. You will meet them soon and then you’ll

find out the truth.”

Kahit pa naiinip na ay pinilit ngumiti ni Clarice. “Aasahan ko ‘yan.”

“How about you?”

Tuluyang naglaho ang ngiti ni Clarice. “What about me?”

“Tell me something about yourself, too. Iyong mga bagay na pinaniniwalaan mo. You can share with

me about your dreams, o kahit na ano na hindi pa alam ng public tungkol sa `yo.”

Bumalik ang atensiyon ni Clarice sa papalubog na araw. “I’m your exact opposite.”

“I DON’T pray. Because unlike you, I don’t believe in God. I stopped believing in Him when I was

thirteen. I grew up believing that life was cruel and unfair. I know neither hope nor love. Maaga akong

nawalan ng mga magulang. Iyong isa, namatay dahil sa isang aksidente. Habang iyong isa naman,

sinukuan ako.”

Bumuka ang bibig ni Alano para magsalita pero agad niya ring itinikom iyon. Wala siyang idea kung

ano ang tamang sabihin. Mula noon hanggang ngayon, mahilig manggulat si Clarice. Her confession

was a revelation. And the pain in her eyes took his breath away.

“All my life, I was torn between loving and hating my mother. Bumigay ang katinuan niya nang hindi

niya matanggap ang nangyari sa pamilya namin noon. Pakiramdam ko, hindi niya na ako inisip. Hindi

siya nagpakatatag para sa ‘kin. I mean, pareho lang kaming nawalan. Pareho lang kaming nasasaktan

nang mga panahon na ‘yon. Pareho lang kaming takot. And I needed her so badly. I could have been

there for her. We could have gone through it together. But she chose the harder way for the two of us.”

Gumaralgal ang boses ni Clarice. “I had no one. Kinailangan ko pang makiamot sa kamag-anak ng iba

para makabangon. I was just thirteen then. What can a mere teenager do?”

Mabilis na ikinulong ni Alano sa kanyang mga braso ang dalaga nang tumulo ang mga luha nito. Sa

kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay niya ay nakaramdam siya ng hindi pamilyar na emosyon

sa kanyang puso, parang patalim na humihiwa ang mga luha ng dalaga sa buong pagkatao niya.

“Since I left the Philippines, I never saw her again. Nagpapadala lang ako ng pera sa center niya rito sa

Pilipinas. Pero hindi ko siya kayang makita. Pakiramdam ko kasi, pinabayaan niya ako.” Masuyong

tinapik-tapik niya ang likod ni Clarice.

Her life story was cutting him deep. Gumalaw ang mga balikat ng dalaga palatandaan ng pag-iyak nito.

“At naiinggit ako sa `yo, Alano. Kung sana naging matatag din noon si Mama na gaya ng Mama mo,

baka hindi ako lumaking ganito. The hunger for revenge made me who I am now. To succeed and

avenge became my purpose. And without them, I would be lost.”

Umawang ang bibig niya. “Revenge? Ano’ng ibig mong sabihin?”

“My dad’s death was not an accident. Someone intentionally killed him.”

Nagulantang si Alano.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.