CHAPTER 12
Nasa isang park si Polina, nakaupo siya sa isa sa mga bench na naroon. Hinihintay niya ang pagdating ng kaibigan niyang si Shiera. Nakagawa siya ng paraan upang makatawag sa numerong ibinigay nito sa kanya noon. Kaya naman nagkasundo silang magkikita sa park na iyon upang makapag-usap.
"Polina," mahinang tawag nito sa kanya.
Agad naman siyang napalingon sa tinig ng tumawag sa kanya. Nakita niya si Shiera, at sa likod nito ang binatang si Fillberth. Tila nahihiya pang lumapit sa kanya. Napansin niyang aligaga ang mga ito, at tila may tinitingnan sa paligid. "Wala si Hyulle, kung siya ang hinahanap mo?" walang ganang sambit niya sa dalawa.
"Huwag tayong pakasiguro, napakalakas ng pang-amoy noon, ang matandang iyon," nasabi pa ni Fillberth.
"Ha, ano, bakit hindi pa naman siya ganoon katanda," natatawang nasabi niya sa binata.
"Mali ka, matanda na siya ng limang daang taon sa amin," sambit ni Shiera na seryoso sa pagsasalita.
Tila nalaglag naman ang panga niya sa narinig, hindi niya akalaing ganon na pala iyon katanda. "Sige na, kinakailangan ko nang malaman ang lahat, sino ba talaga ako?" tanong niyang seryosong nakatingin sa mga ito.
"Ikaw ang huling Prinsesa, ng mga puting Lobo, at sa lahi natin, ikaw na lang ang natitirang royal blood, ikaw na lang ang nag-iisang anak ng dakilang Werewolf sa other world," sambit ni Shiera.
"Ano," muling nasambit niya. Napanganga siyang lalo, at halos umurong ang dila niya, hindi niya magawang lumunok o ni isara ang bibig niya.
"Totoo ang sinasabi niya, at si Hyulle, dapat mo siyang iwasan," singit ni Fillberth sa mga sinasabi ni Shiera.
"Pero tingin ko, malabo iyon, hindi ba nagpakita na ang asul na buwan?"tanong naman ni Shiera.
"Oo, nagpakita iyon noong mga nakaraang gabi," nasagot niya sa mga ito.
"Kaya buhay ka pa," napatangong sambit ni Shiera.
"Marahil ay nahihirapan ang isang iyon, hindi niya alam kung paano niyang papatayin ang babaeng itinakda sa kanya ng langit."Content held by NôvelDrama.Org.
"Ang sinasabi niyo bang langit ay ang asul na buwan?" natanong niyang muli.
"Hindi, iyon ay ang diyos ng asul na buwan,"
"diyos ng asul na buwan?" naulit na naman niya.
"Oo, at isang bagay na hindi nila maaring baliin, hindi maaring baliin ni Hyulle at ng mga itim na Lobo ang mga desisyon ng asul na buwan. Kung pinili ka nito upang maging mate ni Hyulle."
Habang lumalalim ang kanilang usapan ay lalo namang naging magulo sa kanya ang lahat. Ngayon naman ay hindi na niya lalong mapaniwalaan ang mga nagaganap sa kanyang buhay. At isa pa sa mga iniisip niya ay ang mahigpit na bilin ang kanyang ina, iyon ay ang magbalik sa mansiyon.
"Sumama ka na sa amin," sambit ni Shiera.
"H-hindi ko maaring suwayin ang utos ni Inay," sambit niya sa mga ito.
"Ha? Bakit mo susundin ang mortal na iyon? Kami ang tunay mong kakampi, kami ang mga puting Lobo, kami ang tunay mong mga kalahi, hindi si Hyulle," sambit naman ni Fillberth.
"Oo tama nga siguro kayo." Napatayo siya. "Ngunit hindi ko maaring suwayin ang utos ni Inay," giit niya sa mga ito. napansin niyang nagkatinginan ang dalawa. "Nakapagtatakang pinahahalagahan mo pa ang sinasabi ng isang mortal," sambit ni Shiera.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
"Oo dahil siya ang aking ina," sambit niya sa mga ito. Ngunit bago pa makagawa ang mga ito ng hakbang ay biglang lumitaw si Hyulle sa kanilang kalagitnaan. "H-Hyulle!" gulat niyang sambit.
"Umalis na kayo, kung ayaw niyong mamatay!" mahinang ngunit puno ng awtoridad na banta ni Hyulle sa kanila.
"Pag-isipan mong mabuti Polina, kalaban natin siya, isa siyang mandirigmang itim na Lobo," sambit pa ni Shiera bago maglaho ang mga ito sa kanyang paningin.
Tahimik siyang sumama pabalik sa mansiyon ng mga Elgrande, hindi niya alam kung papano niya pakikitunguhan ang dating amo. Ang gusto sana niya ay hindi na magbalik pa sa mansiyon. Ngunit mahigpit na nagbilin ang kanyang ina, na huwag lalayo sa lalaki. Hindi na niya maunawaan, sabi ng dalawang werewolf kalaban daw niya si Hyulle, ngunit ang kanyang ina, mahigpit ang bilin na huwag lumayo sa lalaki.
Napaangat ang dalawang kamay niya patungo sa kanyang ulo, napahawak siya roon dahil sa nakadama siya ng matinding kirot. "Hindi ka kumakain, ilang araw at gabi na, manghihina ka talaga niyan." sabi nito na may himig nang pag-aalala. "Huwag ka nang magpanggap na nag-aalala ka, alam kong hindi," tugon niya rito.
"Kung pumayag ka na magkaniig tayo noong nag-asul ang buwan, sana ay nababasa mo na ang mga iniisip ko, o maging ang pintig ng puso ko," napayuko pa ito nang sabihin iyon sa kanya.
"Ano? Hindi mo makukuha ang mga gusto mo, kaya tigilan mo na ako, baka naman dahil iyon sa madaragdagan ang kapangyarihan mo, ilang prinsesa na ba ang dumaan sa mga kamay mo? At ganyan na ang lakas mo?"
"Ha? Hindi ako lumalakas dahil sa pagpatay ng mga kapwa ko werewolf, lumakas ako dahil matinding training ang pinagdaanan ko," paliwanag nito.
"Oo, training para paslangin ako! Alam ko na ang lahat sa iyo, nalaman ko na nang hindi ko na kailangan pang tanungin ka!" may gigil niyang sambit sa lalaki.
"kasinungalingan ang mga pinagsasabi nila, naniniwala ka?" tanong nito sa kanya.
"Hindi ba't totoo naman ang mga sinabi nila? Ikaw ang nakatakdang pumatay sa akin!"
"Oo! Noon iyon!" malakas na sambit ni Hyulle.
Natulala siya, halos napigil niya ang hininga niya dahil sa pag-amin nito. Umamin ito na ito nga ang nakatakdang pumaslang sa kanya. Mabilis na kumalabog ang dibdib niya. Nangingig ang mga kamay niyang kumilos at hinanap ang bukasan ng pintuan ng kotse. Ngunit dahil sa panginginig ay hindi niya magawa. Nakita na lamang niyang nakakulong na siya sa mga bisig ng lalaking si Hyulle.
"Kumalma ka lang pakiusap," bulong ni Hyulle habang niyayakap siya. "Wala akong gagawing masama sa iyo," sambit nitong muli sa kanya. Ngunit umaagos na ang mga luha mula sa kanyang mga mata.
Marahang hinaplos ni Hyulle ang mahaba niyang buhok, habang yakap siya nito. Takot ang nadrama niya ng mga sandaling iyon. Ngunit dahil sa mga haplos nito, sa banayad na haplos at yakap nito ay unti-unti siyang kumalma. "Hindi ko rin alam, pero ang alam ko lang iniibig yata kita," sabi nito.
Napabangon siya at lumayo sa pagkakayakap nito sa kanya, "Alam kong nagsisinungaling ka," sabi niya.
"Alam kong hindi mo mabilis na mapaniniwalaan iyon, kaya naman, sisikapin kong lumayo sa iyo, sa library ka lang," sambit nito.
Nakita niyang naroon ang lahat ng mga tagapagsilbi sa bukana ng pintuan papasok sa mansiyon. May pagtatakha man sa mga mata ng mga ito, ay hindi na lang niya pinansin. Pakiramdam niya ay pagod siya at gutom.
"Aling Martha, pakidalhan kami ng mga pagkain sa library, yung karne, marami po, pakisamahan ng ilang litrong gatas," narinig niyang bilin nito sa mga matatanda.
Pagkatapos ay inalalayan pa siya nito patungo sa hagdanan. Alam nilang nakasunod ang mga mata ng mga tagapaglingkod sa kanila. Kaya naman sinikap pa ni Polina na lumayo sa lalaki. Ngunit mas kinabig pa nito ang kanyang siko, at mas inalalayan pa siya nito.
Ang nais sana niya ay lumayo sa lalaking alam niyang mapanganib at nakatakdang pumatay sa kanya. Ngunit paano pa niya gagawin iyon kung utos ng kanyang Ina na manatilis sa piling nito. At ang puso niya ay tila napapanatag sa bawat pag-aalala nito sa kanya.