Wish List Number Ten: Love Me Again

Chapter 10



Chapter 10

"YOU'RE scaring me, Calix."

Mula sa binabasang dokumento ay nag-angat ng mukha si Calix at walang-emosyong tumingin sa

kanyang ama na nasa bukana ng pinto ng kanyang opisina. Mag-iisang linggo na mula nang makabalik

siya sa pagtatrabaho. May mga pagkakataong nahuhuli niyang sumisilip ang ama sa kanyang opisina,

pero nanatili siyang walang kibo. Ayaw niya na munang makarinig ng anumang insulto mula rito.

"Napadaan ako noong isang araw sa bahay mo. Manang Soledad told me the whole story between you

and Chryzelle."

"Oh..." Pigil ang emosyong napatango-tango si Calix. "Then please do come in, Dad. Kung mang-

iinsulto na naman kayo na hanggang sa marriage ko, palpak ako, pumuwesto sana kayo malapit sa

akin. Para ako lang ang makarinig at hindi pati ang mga staff na nagdaraan. My heart's really broken,

you see." Muli niyang ibinalik ang atensyon sa binabasang reports. "So I'm asking you to at least, save

my pride even for the meantime."

Hindi nakaligtas sa pandinig ni Calix ang pagsinghap ng kanyang ama bago niya narinig ang mga

yabag nito papasok. Naupo ito sa silya sa tapat ng kanyang mesa.

"Hindi ka nagwawala. Hindi ka naghahamon ng gulo. Hindi ka rin nagpapakalasing. Araw-araw,

pumapasok ka at nagre-report sa opisina. Nalaman ko mula sa ilang empleyado na nag-o-overtime ka

rin." Inagaw sa kanya ng ama ang folder na pinag-aaralan niya. "What the hell is your problem, Calix?

Kung nagagalit ka sa akin, sabihin mo, ipakita mo. Makipag-away ka sa akin tulad ng dati. You're killing

me with your silence and behavior!"

"Dad," Frustrated na sagot ni Calix. "Kapag nagpakagago ako, nagagalit kayo. Hanggang ngayon ba

naman na sinusubukan ko nang magpakatino? Saan ba ako lulugar?"

Natutop ni Calix ang noo. Mula noong gabing iwan siya ni Chryzelle ay halos hindi na siya umuwi sa

kanilang bahay. Mababaliw siya roon. The house held so many memories. Pero ayaw niya namang

lumipat sa bagong bahay nila. The emptiness there would suffocate him. Kaya nagbabaon na lang siya

ng damit at halos sa opisina na natutulog. Sinisikap niyang huwag hanapin si Chryzelle dahil baka

kung anong kabaliwan na naman ang pumasok sa kukote niya para muli lang pabalikin ang asawa sa

buhay niya. But hell... he really missed her so much.

"I'm sorry, son. Naging bias ako pagdating sa 'yo. I just don't know what to do with you. Many times

over the past years, God knows I wanted to talk to you, but you were so out of control. Masyado nang

napuno ang puso mo ng galit para sa akin kaya hindi na kita maabot. Kaya nag-focus na lang ako sa

kuya mo na alam kong hindi pasasakitin ang ulo ko." Natawa si Arthur pero walang buhay iyon sa

pandinig ni Calix. "And that was wrong, I know."

"Hindi ko naman kayo masisisi," mapait na sagot ni Calix. "Hindi naman kasi ako magaling. Hindi ako

perpekto. Heck, I can't even blame you for wishing I was the one who should have died because

believe me, Dad, I also wish I'm dead right now."

"Calix!" Horror filled his father's voice. Marahas na napabuga ito ng hangin bago hinawakan nang

mahigpit ang kanyang kamay. "I'm so sorry. I was so devastated by Clarence's death. Hindi ko bibigyan

ng dahilan ang mga nasabi ko sa 'yo noon. I'm sorry. But I want you to know that you have exceeded

my expectation the past years. And I'm so proud of you." Bumitiw ito sa kanya, pagkatapos ay tumayo.

"Maiintindihan ko kung hindi mo ako mapapatawad kaagad. I've never really been a good father to you,

that's why you grew up like that. Pero napatunayan mo na ang sarili mo sa mga nakalipas na taon,

Calix." Malungkot na ngumiti ang ama. "Hindi ko lang alam kung paano ka lalapitan para i-congratulate.

I've never really said this, but I'm proud you are my son." Naglakad na si Arthur patungo sa pinto. "I

understand your pain but let it out, Calix. Don't do this."

Paalis na sana ang ama nang tawagin ito ni Calix. Puno ng pag-asa ang mga matang humarap ito sa

kanya.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa na lumapit siya at niyakap ang kanyang ama na ginantihan naman

nito ng mas mahigpit na yakap. Tinapik-tapik din nito ang kanyang likod. In his father's arms, he felt like

a little boy once more.

"I'm sorry too, Dad."

Five months later...

UNTI-UNTING sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ni Chryzelle nang pagbaba niya ng taxi, ang

masayang anyo ng kanyang pamilya ang kaagad na sumalubong sa kanya sa bahay nila sa Cavite.

Naroroon din ang dalawang bibong pamangkin na mga anak ni Celeste.

Natawa pa si Chryzelle nang makitang si Aiden at ang girlfriend nitong si Carla ang siya pang

naghawak sa banner na may nakasulat na: Welcome Back, Chryzelle! Naipakilala na sa kanya noon

ng kaibigan ang girlfriend nito sa pamamagitan ng Skype tatlong linggo na ang nakararaan.

Ibinaba niya ang bitbit na mga maleta, pagkatapos ay inilahad ang dalawang braso sa ere. Naluluha

namang pumaloob doon ang kanyang ina at niyakap siya. Bago siya umalis papuntang Oklahoma,

USA ay ipinagtapat niya sa mga magulang ang lahat. Wala siyang itinago sa mga ito. At gaya ng dati

ay hindi siya hinusgahan ng mga ito o si Calix man. Nangako ang mga magulang na palagi siyang

susuportahan sa anumang maging desisyon niya. Bilang patunay ay ang kanyang ina muna ang

siyang nag-asikaso sa bakeshop habang wala siya.

She would always feel blessed for having such a wonderful and understanding family.

Halos limang buwan na ang nakalilipas nang tawagan ni Chryzelle ang ate Diana niya, ang

nakatatandang pinsan niya na siyang nakapag-asawa ng foreigner na taga-Oklahoma City. Malapit sila

sa isa't isa. Nagkataon nga lang na hindi na sila nagkikita dahil sa Amerika na ito permanenteng

naninirahan. Nagpaalam siya sa pinsan kung maari bang magbakasyon na muna siya roon, tutal

naman ay mayroon siyang tourist visa. Dahil piloto ang asawa nito na madalang din nitong makasama

sa bahay, agad itong pumayag. Excited pa siyang sinundo ng ate Diana niya sa airport. Ito ang

nagsilbing tour guide niya sa loob ng apat na buwang pagliliwaliw roon.

At that time, Chryzelle knew that the best thing to do was to leave the country for a while. She needed

to be alone-be apart from her family, from her friends, and most of all, from Calix. Nirespeto naman ng

pinsan ang pribado niyang buhay kaya hindi na ito nag-usisa sa dahilan ng bigla niyang pag-alis sa

Pilipinas.

Hanggang anim na buwan dapat ang itatagal ni Chryzelle sa Oklahoma. Pero hindi na rin siya

makapaghintay na bumalik. Nang pakiramdam niya ay handa na siya, muli siyang umuwi sa sariling

bansa. She had missed her family. But above all, she had missed Calix. Dahil sa kabila ng lahat ay ang

asawa pa rin ang hinahanap-hanap ng puso niya.

Ngayon lubos na napatunayan ni Chryzelle na sadyang makapangyarihan ang pag-ibig. Dahil sa kabila

ng mga sakit na naranasan kay Calix, mas matimbang pa rin ang pagmamahal na nararamdaman niya

para dito.

And now, after five months, she can finally say that she had healed. Nakatulong ang paglayo niya para

magamot ang sugat sa kanyang puso. Handa na siyang harapin muli si Calix. Because right at that

very moment, she could proudly say that she had matured. Naliwanagan ang isip niya sa ilang buwang

pagbabakasyon. She would never expect for a fairytale anymore between her and Calix. What she was

looking forward now was a real story from real people who had gone through a lot but were still in love.

Araw-araw, mula nang pumunta si Chryzelle sa ibang bansa ay ibinabalita sa kanya ng mga magulang

ang ginagawang pagdalaw ni Calix sa bahay ng mga ito. Parati raw siyang kinukumusta ng kanyang

asawa.

Bigla ay sumagi sa isipan ni Chryzelle ang mga napag-usapan nila ng kanyang ina noong nagdaang

araw habang nag-eempake siya pabalik sa bansa.

"Actually, sandali lang si Calix dito ngayong araw dahil may aasikasuhin pa raw siya. He just came

here to extend his love for you." Natawa ang ina sa kabilang linya. "'Please tell her that I love her, 'Ma.

And that I miss her. And please... please include that I'm looking good.' Those were his exact lines

before he left."

Alam ng kanyang ina na hanggang ngayon ay hindi naman nawala ang pagmamahal niya para sa

asawa. Ito ang kumausap sa kanya noon na huwag na munang ituloy ang annulment, na pag-isipan

muna niya, at saka na lang ituloy kung gugustuhin pa rin niya sa kanyang pagbabalik mula sa

Oklahoma.

Her smile grew wider at the memory. "I miss this," bulong niya sa kanyang ina. "I miss home."

"But you're not in your home yet," makahulugang sinabi ng ina. Nang bumitiw ito ay inabutan siya ng

isang ticket na kunot-noo niya namang tinanggap. Napaawang ang kanyang bibig nang mapag-

alamang ticket iyon para sa concert ng iniidolong si Jed Madela. "Oh, God, 'Ma!"

"Sa front seat pa 'yan."

Nanlaki ang mga mata ni Chryzelle. "This is more than a welcome back present."

"I know." Iwinasiwas ng ina ang mga kamay sa ere. "Magpahinga ka na. Mamayang gabi na 'yan.

Sabay-sabay tayong pupunta. I'm excited to watch the concert... and more."

Hindi na nagawa pa ni Chryzelle na bigyan ng kahulugan ang ibang sinabi ng ina dahil sunod-sunod na

siyang sinalubong ng yakap ng ama at kapatid, pati ng kanyang mga pamangkin na kumapit sa

kanyang mga hita. Natawa na lang siya.

NABIGLA si Chryzelle nang makita ang mga kamag-anak at kaibigan na nasa ikalawang hanay ng

upuan na yumakap at bumati pa sa kanya pagdating niya sa Araneta Coliseum kasama ng mga

magulang. Nakita niya rin ang mga staff niya sa bakeshop. Naroroon din si Derek na kumaway sa

kanya.

"May reunion pala," bulong niya sa kapatid. "Hindi n'yo man lang sinabi sa akin. Pero hindi ba tayo

masyadong magagastusan nito, Ate? Puro tayo nasa front seat. Nakakalula ang presyo."

"Libre lang itong tickets sa atin kaya 'wag kang mag-alala," natatawang sagot ni Celeste, pagkatapos

ay hinila na siya paupo.

Iginala ni Chryzelle ang paningin sa paligid at pilit na naghagilap sa mga taong naroroon. Pero hindi

niya nakita ang hinahanap. Babae ang katabi ni Derek at hindi ang matalik na kaibigan nitong si Calix.

Nakaramdam siya ng matinding pagkadismaya.

"Looking for someone?" May himig-panunukso sa boses ng kanyang ina na nasa gawing kaliwa niya.

"No, 'Ma." Pinilit niyang tumawa. "I'm just... looking around my staff. I've missed them."

Ilang sandali pa ay nagdilim na sa buong paligid.

"What if I told you it was all meant to be? Would you believe me? Would you agree? It's almost that

feeling we met before. So, tell me that you don't think I'm crazy when I tell you love has come here and

now..."

Umalingawngaw ang pamilyar na awitin na alam ni Chryzelle na mula mismo sa bibig ng paborito

niyang singer. Ilang sandali pa ay tumutok ang spotlight kay Jed Madela. Nasa gilid ito ng stage

habang tumutugtog ng piano. She suddenly felt sentimental with his first song choice. Iyon ang awiting

naging paborito niya na dahil iyon ang unang kantang tumagos sa puso niya na background sa

restaurant kung saan sila unang nag-date ni Calix.

Pero mahina lang ang pag-awit ni Jed Madela. Para bang naging background lang ng buong lugar ang

maganda nitong boses.

Nagsalubong ang mga kilay ni Chryzelle.

"Good evening, everyone, and Happy Valentine's to the people watching tonight."

Nabigla si Chryzelle sa pamilyar na boses ng lalaki. Ilang sandali pa ay lumabas mula sa backstage

ang isang matandang lalaki na kahit kailan ay hindi niya malilimutan. For he was the older version of

the man she had fallen in love with.

It was Arthur Ledesma, the king behind the Ledesma Commercial Banking Corporation. Dito natuon

ang iba pang spotlights.

Ano'ng ginagawa nito roon?

Mayamaya lang ay natigilan si Chryzelle nang tumagos sa kanyang isipan ang isa pang bagay. Araw

nga pala ng mga puso ngayon. Kaya pala halos lahat ng mga nakita niya sa araw na iyon ay may

kapareha. Natutop niya ang noo. Nawala na iyon sa isip niya.

"As a celebration for the Heart's Day, let me tell you a short love story that started seven years ago.

Itago na lang natin ang ating mga bida sa pangalang Calix at Chryzelle."

Napasinghap si Chryzelle.

"Heto po sila."

Ilang sandali pa ay ipinakita sa malaking screen sa entablado ang mga litrato nila ni Calix na kuha sa

simbahan noong araw na nag-propose ang lalaki sa kanya. Namasa ang kanyang mga mata.

"Their love story taught me a great lesson in life. Na hindi pala por que nasa 'yo na ang isang bagay,

dapat ay makampante at makontento ka na. Because the next thing to do after getting what you want is

to take care of it and make sure to keep it with you. Dapat pala pag-ingatan natin nang mabuti ang mga

pagmamay-ari natin para hindi ito mawala sa atin. Nakakatuwang ang mga bata pang iyon ang nagturo

niyon sa akin.

"Sa bawat kwento ay may kontrabida. In their case, I happened to be the villain." Napahugot ng

malalim na hininga ang matanda. "And-"

"Oh, stop with the villain thing, old man. Sabi ko naman sa inyo, kabisaduhin nyo ang script n'yo para

hindi malihis ang mga sinasabi n'yo. Hindi nyo naman ginawa dahil hindi 'yan ang linyang nai-practice

natin."

Bigla ay lumitaw na si Calix. Sa bawat paghakbang nito palapit sa ama ay nakasunod rin dito ang

spotlight.

Kasabay ng pagtatawanan ng mga tao ay ang pagbuhos ng mga luha ni Chryzelle.

"I'm sorry about my dad, people." Tinapik ni Calix ang ama. "But thanks for trying, Dad. I can take it

from here."

Muling nagtawanan ang mga tao, kasabay ng napapailing na pag-alis ng matandang Ledesma.

Para bang may mainit na kamay na humaplos sa puso ni Chryzelle sa nasaksihan. Natutuwa siya na

mukhang sa wakas ay maayos na pala ang relasyon ni Calix sa ama nito.

"Let's make this short and simple. May mangyayari pang concert. Kaya para bawas oras, hindi ko na

lang babasahin ang nasa kodigo." Nilamukos ni Calix ang puting papel na hawak, pagkatapos ay

ibinulsa. "Chryzelle..." tinitigan siya ng asawa mula sa stage pagkatapos ay ngumiti. "I missed you,

baby."

Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ni Chryzelle sa kabila ng hiyang nadarama sa paghihiyawan

ng mga tao sa paligid. Calix looked more handsome that night. He seemed more at ease. Mukhang

napabuti ang paghihiwalay nila nang ilang buwan. He now had this undeniable glow in his eyes.

Bumilis ang tibok ng kanyang puso.

"Ginawa ko ang sinabi mo. Inayos ko ang sarili ko. Every single day that you were gone, I've tried to

become the best man that I can ever be while waiting for you, kahit hindi ko sigurado kung babalik ka

pa. Nagkaayos na kami ni papa. He offered me the presidency, but I declined. Wala naman na kasi

akong kailangang patunayan. Bukod sa hindi ko naman hinangad na maging hari ng kompanya.

Instead, I offered the position to my cousin whom I saw have the same dedication as Kuya Clarence.

"I stick with being the vice president." Nagkibit-balikat si Calix. "Sa sobrang tuwa ng pinsan ko sa

ginawa ko, ang sabi niya, kahit i-take home ko na lang daw parati ang trabaho para parati rin kitang

makikita at makakasama kung sakaling bibigyan mo uli ako ng pagkakataon. Kaya kung sakali,

magsasawa ka sa mukha ko araw-araw ng buhay mo, Chryzelle."

Natawa si Chryzelle habang patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha.

"You see, lahat maayos na sa akin maliban na lang sa puso ko... kasi wala ka pa rin sa buhay ko. Kung

saan-saan pa ako naghanap n'on. I searched for self-importance. I searched for success. Little did I

know that you were actually the one who gave me those. As long as you love me, I know I'll be

important. And as long as I have you, I know I'll succeed." Bumaba si Calix ng stage hawak pa rin ang

mikropono at naglakad palapit sa kanya, hanggang sa nasa harap niya na ito at nakatayo.

"Come back to me, please. Back then, I was stupid to offer you a horror story when all you really

wanted was fantasy. Pero hindi ko pa rin ibibigay ang gusto mo." Ngumisi si Calix. "I think I'm wiser

now to offer you a real-life story, with twists and turns, thrill, comedy, and drama at times. But I assure

you, it will be romantic and crazy. We will work on it." Lumuhod si Calix sa harap niya. "Will you take

me back, Chryzelle?"

Hindi na napigilan ni Chryzelle ang sarili. Inilayo niya ang mikropono mula sa bibig ni Calix, pagkatapos

ay dinukwang ang mga labi nito at buong alab na hinagkan na tinugon nito sa kaparehong intensidad.

The rest of the people watching did not matter anymore.

God, she had missed him. Itinayo siya ni Calix nang sandaling maghiwalay ang kanilang mga labi,

pagkatapos ay niyakap siya nang buong higpit.

"I've missed you," bulong ni Calix. "How have you been?"

"I'm fine," Natawa si Chryzelle sa kabila ng pagtulo pa rin ng kanyang mga luha. "I slept a lot, ate a lot,

rest a lot, and... missed you a lot."

"Well, I've missed you more than you think you did. Because I didn't sleep, I didn't rest, I didn't eat. All I

did is miss you," naaaliw na sagot ni Calix. "I love you so much."

Inihilig ni Chryzelle ang ulo sa balikat ng asawa. "I love you, too. This is your wish list number nine,

Cal."

"No, baby. This is your wish list number nine."

Naluluha namang tumango si Chryzelle. Dahil tama ang asawa, ang mga nasa listahan nito ang siyang

mga pangarap niya, ang mga bagay na gusto niyang makamtan nang kasama si Calix na tinupad

naman nito.

Sandaling humiwalay si Calix, pagkatapos ay muling itinapat ang mikropono sa bibig. "And that's the

rest of the story... Again, Happy Valentine's to all. And now, let's give the floor to the real man of the

concert. Ladies and gentlemen... please welcome, Jed Madela!"

Epilogue

"ELLE? Wake up, baby," pawisang wika ni Calix habang ginigising ang tulog na tulog na asawa. "Dala

ko na ang mga pinapabili mo." Rambutan iyon at cheese-flavored ice cream na hiniling ni Chryzelle sa

kanya.

Alas-siyete na ng gabi nang palabasin siya ni Chryzelle ng bahay para magpabili ng mga iyon. Siya

lang ang pinagpilitan ng asawa na personal na bumili ng mga gusto nito. Iyon lang daw ang gusto

nitong kainin para sa hapunan kaya nagmadali siyang nagmaneho sa pinakamalapit na supermarket.

Mabuti na lang at panahon na kahit paano ng rambutan.

Halos kalahating oras lang nawala si Calix, pero nakatulog kaagad ang kanyang asawa. Napailing siya.

Hangga't maari, ayaw niya na sanang gisingin si Chryzelle. Pero nag-aalala naman siya na hindi

kaagad masunod ang gusto nitong kainin. First baby pa man din nila iyon.

Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Calix nang sa wakas ay magmulat na ng mga mata si Chryzelle, kahit

na halatang inaantok pa. Pero kaagad na nagsalubong ang mga kilay nito.

"Bakit ka ba nanggigising?" mataray kaagad na bungad nito sa kanya.

Sumemplang ang ngiti ni Calix. "Dala ko na kasi ang mga pinabibili mo." Itinaas niya ang dalang supot.

"Get up, baby. Kain ka na."

Umirap si Chryzelle. "Akala ko naman, kung ano na." Muli itong pumikit. "Sa 'yo na lang. Ayoko na pala

niyan."

His jaw dropped. Ilang ulit na napabuga ng hangin si Calix bago lumabas na lang ng master's

bedroom. Kaagad na natawa ang kanyang ama nang makitang dala niya pa rin ang supot. Doon na sa

bagong bahay nila ni Chryzelle pinatira ang kanyang ama para mayroon din itong makasama.

Nanghihinayang na inilapag niya sa mesa ang mga dala. Halos makipag-marathon siya sa pagbili ng

mga iyon. Sumingit pa siya sa pila sa kabila ng mga taong nagreklamo sa likod niya. Alam niyang puro NôvelDrama.Org: text © owner.

matatalim na tingin ang ipinabaon sa kanya ng mga kapwa mamimili bago siya tuluyang nakalabas ng

supermarket. Gano'n siya ka-eager na madala kaagad kay Chryzelle ang mga pagkaing hiniling nito.

Tinapik siya ng kanyang ama sa balikat. "It's all right, son. Ganyan talaga ang mga naglilihi. Your mom

was worst when she had you."

Bumuntong-hininga na lang si Calix, pagkatapos ay kumuha ng isang basong tubig at deretsong

ininom. "I better attend to my wife. Baka mamaya, may kailanganin pa siya," aniya at muling umakyat

patungo sa kwarto nila ng asawa. Pagbukas niya ng pinto ay nabigla siya nang makitang nakaupo na

sa kama si Chryzelle at namamasa ang mga mata.

Natatarantang nilapitan niya ang asawa. Maagap na pinunasan niya ang mga luha nito. "Hey, what's

wrong? May masakit ba sa 'yo? Nagugutom ka ba?"

Umiling si Chryzelle. "Hindi na ako nakatulog. I was worried. Are you mad because of the food? I'm

sorry. Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. Hindi naman ako dating ganito."

Napahugot ng malalim na hininga si Calix. He knew Chryzelle was referring to the little angel they lost.

Ikinulong niya sa mga kamay ang mga pisngi ng asawa at pinakatitigan ito. An amused smile formed

his lips.

Nitong mga nakalipas na araw ay moody ang kanyang asawa na tatlong buwan nang buntis. May mga

pagkakataong tinatarayan siya ni Chryzelle, pero kasabay niyon ay naging emosyonal din ito. May mga

gabing lalapit ang asawa sa kanya habang umiiyak at hihingi ng tawad sa naging pagsusungit nito.

Pero hindi siya nagalit, kahit isang saglit. He was enjoying this.

Halos isang taon na mula nang magkabalikan sila ni Chryzelle. Ang dami pang mangyayari sa buhay

nila. And he was looking forward to every moment of what life would bring them. Because every day

with her would always be the happiest day of his life, regardless of her sudden mood swings.

"It's all right. Hindi ako galit. I've talked to the OB-GYN, normal lang daw 'yan. Hindi naman pare-

pareho ang paglilihing nararanasan sa mga nagiging anak." Yumuko si Calix at hinagkan ang pipis

pang tiyan ng asawa. "Baby, be good to Mommy, okay? 'Wag mo siyang pahihirapan. I love you both."

Nag-angat siya ng tingin at nasalubong ang magagandang mga mata ni Chryzelle, nangingislap na uli

ang mga iyon. He took a deep breath. He had always known he married a lovely woman; but every

time she would smile like that, he would always realize that he married a woman who was more than

beautiful. Chryzelle was beyond lovely. At ang ngiti nitong iyon sa tuwina ang pumupuno ng pag-asa sa

puso niya.

"I love you," he whispered, still mesmerized.

Chryzelle's smile grew wide. Ngumiti na rin si Calix, pagkatapos ay hinagkan sa noo ang asawa. That

smile was more than enough for an answer.

WAKAS

The Novel will be updated first on this website. Come back and continue reading tomorrow, everyone!

Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.